Viral

Anak ni Onyok Velasco na si Ry Velasco, hinangaan ng maraming mga Pilipino dahil sa angkin nitong kagandahan!



Si Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ay 46 taong gulang na retiradong boksingero, komedyante at aktor mula sa Bago, Negros Occidental. Nagwagi siya ng isang gintong medalya noong 1994 sa Asian Games at isang pilak na medalya naman ang kaniyang nauwi noong 1996 sa Summer Olympics, ang mga karangalan na ito ang katangi-tanging medalya na natanggap ng bansa noong mga panahon na iyon.

Siya ay kasal sa kaniyang misis na si May Balisi-Velasco at nabiyayaan sila ng dalawang mga anak. Sina Angel at MVJ Velasco. Maraming mga netizens ang nabigla dahil sa isa pala sa kaniyang mga anak ay gumagawa na ngayon ng sarili niyang pangalan sa social media.



Ang 21 taong gulang na si Angel o mas nakilala ng kaniyang mga tagahanga bilang si Ry ay madalas na hinahalintulad sa sikat na aktres at businesswoman na si Kathryn Bernardo. Maraming mga netizens ang nagsasabing malaki talaga ang pagkakahawig ng dalawa lalo na kung tititigan ang kanilang mga mukha.


Kapansin-pansin din ang napakagandang pananamit ni Ry na madalas makikita sa mga ibinabahagi niyang larawan sa social media. Isa rin siyang “make up enthusiast”.

Madalas siyag nagpopost ng mga skin care-related videos sa kaniyang channel na sa ngayon ay mayroon nang higit sa 286,000 na mga subscribers. Ang kaniyang Instagram account naman ay mayroon nang higit sa 182,000 na mga followers.



Tulad ng maraming mga Pilipino, isa rin sa hilig ni Ry ang pamamasyal at pagbibiyahe. Madalas ay kasama niya ang kaniyang mga kaibigan o di kaya naman ay ang kaniyang nobyo sa kaniyang mga gala.

Ngunit ang bida talaga sa kaniyang mga vlogs ay ang kaniyang ama na si Onyok. Makailang ulit na ring naging “guest” ang sikat na Pinoy boxer sa vlog mismo ng kaniyang anak.

Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa talagang kitang-kita ang pagiging malapit ng mag-ama sa isa’t-isa, sa harapan man o sa likod ng kamera.