Viral

Anak binuhusan ng kaning-baboy ang kaniyang ina na 85 taong gulang na!



Naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang masaklap na sinapit ng matandang babae na ito sa kamay mismo ng kaniyang anak. Nakuhanan kasi ng larawan ng kaniyang mga kapitbahay ang 85 taong gulang na matandang ito na talagang hinamak ng sarili niya mismong anak.

Ayon sa ilang mga ulata, kitang kita ng maraming mga tao kung paano binuhusan ng kaniyang anak na tomboy ang kawawang matanda. Marahil ay mayroong ginawa ang matanda upang labis na magalit ang kaniyang anak.



Ngunit hindi kailanman naging tama ang ganitong klase ng pamamaraan lalo na sa sarili nating mga magulang. Dahil sa naturang pangyayari ay maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkayamot at galit sa hindi tamang pag-uugali ng anak sa kaniyang ina.

Talaga namang kalunos-lunos at nakakaawa ang hitsura ng matanda na punong-puno ng mga kaning-baboy sa kaniyang katawan. Maraming mga taong nahabag sa matanda at patuloy na nagdarasal na sana ay mayroong mabuting tao na mag-alaga at kumupkop sa matanda.

Hindi biro ang ganitong sitwasyon dahil sa batid naman natin na ang mga matatanda nating mga magulang ay hindi na magtatagal sa mundo. Kung kaya naman habang nabubuhay sila ay nais ng marami sa atin ang maibalik man lamang sa kanila ang naging paghihirap nila sa pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki sa atin.

Hindi naman naghahangad ang ating mga magulang ng malaking halaga, malawak na bahay o magagarang sasakyan mula sa atin. Ang pagkakaroon ng tunay na respeto at pagmamahal sa kanila ay talaga namang napakalaking bagay na.



Napakabigat sa kalooban na makakita ng ganitong klaseng pagtrato sa ating mga nakakatanda. Maaaring hindi na sila kasing lakas at kasing sigla ng dati, ngunit mayroon pa rin naman silang damdamin at pusong nasasaktan.

Kung kaya naman sana ay mas pahalagahan natin ang ating mga magulang at ang mga taong nakapaligid sa atin, dahil maging sila ay mayroon ding halaga sa Diyos anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.