Showbiz

Amira Alawi, kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na ubod rin ng ganda at sexy!



Ang 23 taong gulang na si Ivana Alawi ang isa sa pinakasikat na YouTuber/vlogger sa ngayon. Ngunit bago pa man siya magkaroon ng higit sa anim na milyong mga subscriber sa kaniyang YouTube channel ay nakilala na siya bilang isang aktres at modelo.


Ilan sa mga proyektong kinabilangan niya ay ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi kung saan siya ay gumanap bilang kaibigan ng karakter ni Barbie Imperial. Kasunod nito ay nabigyan siyang muli ng pagkakataong maging bahagi ng programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano” bilang si Madonna na nobya ng karakter ng namayapang si Eddie Garcia.


Matapos nito ay nabiyayaan siyang muli ng isa pang proyekto na pinamagatang “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” bilang ang nakakabighaning abogada na si Lolita del Rio. Sa ngayon ay mayroon siyang pagbibidahang programa sa ABS-CBN na mayroong pamagat na “Ang Lihim ni Ligaya”.




Bukod sa angkin niyang kagandahan ay minahal din ng maraming mga Pilipino ang pagiging simple at pagiging masayahin ni Ivana. Sa mga vlogs ni Ivana ay madalas na makikita ang kaniyang nakababatang kapatid na si Mona at ang kaniyang ina.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon pa siyang kapatid na lalaki at isa pang kapatid na babae. Naging usap-usapan din naman ng publiko ang kaniyang kapatid na si Amira dahil tulad ni Ivana ay talaga namang nakakamangha rin ang kaniyang angking kagandahan at ang nakakabighani niyang pangangatawan.

Tulad rin ni Ivana ay mayroon ding kakaibang karakter at nangungusap na mata si Amira. Marami pa nga ang nagsasabing maaari din itong pumasok sa showbiz tulad nina Ivana at Mona.


Si Amira ay mapapansing madalas magpost at magcomment patungkol sa kaniyang kapatid na si Ivana. Tunay nga na napakagandang mga kababaihan ng magkakapatid na sina Amira, Ivana, at Mona.


Marami din namang nagsasabing gwapo rin ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki. Tiyak na nagmana sila sa kanilang mga magulang na sina Fatima Marbella at ang kanilang dayuhang ama na si Samier Al-Alawi.