Hindi na biro ang hirap ng buhay sa ngayon. Kung inyong mapapansin, halos lahat ng ating tinatangkilik magmula sa bigas, tubig, kuryente, mga gulay, isda at karne, ay talaga namang pamahal ng pamahal sa paglipas ng mga araw.

Maging ang matrikula sa paaralan, upa sa ating mga tirahan at maging ang gasolina at iba pang mga bilihin ay palagi na lamang tumataas ang halaga. Samantalang ang sahod o sweldo ng mga mangagawa ay mababa pa rin.



Naisin man ng marami sa atin ang makapag-ipon ng pera para sana sa ating kinabukasan o di kaya naman ay upang ipangbili ng sarili nating bahay at lupa, tila napakaimposible dahil kung hindi kulang ang budget natin buwan buwan ay sapat lamang ito. Kung kaya naman talagang natututo tayong mamaluktot lalo na kung maiksi ang kumoy.

Tiyak na marami sa atin ang nasa katulad na sitwasyon ng isang ama na ito na walang magawa kundi humingi na lamang ng tawad sa kaniyang mga anak dahil sa ang nakayanan lamang niyang bilhin para sa kanilang hapunan ay kamatis, itlog at chichirya.

“Mga anak, pag-pasensiyahan n’yo muna ang hinapag ko ngayong Lunes. Hindi sumuweldo ang tatay n’yo, mahina ang pasada.” Pahayag ng ama sa kaniyang post kalakip ang ilang mga larawan nilang mag-anak.



Dagdag pa ng ama ay huwag na lamang pansinin ng kaniyang mga anak ang pagrereklamo ng kanilang bituka sa kanilang pagkain dahil sa ito lamang ang kaniyang nakayanan. Maraming mga netizens ang talaga namang naantig sa kwentong ito ng mag-anak ngunit marami din ang nagsabing mapalad pa rin sila dahil sa mayroon silang maayos na tahanan at mayroon silang kanin at ulam sa kanilang hapag-kainan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kaniyang post:
“Laban lang ‘tay, pasasaan pa at makakaraos din tayong lahat, ‘wag lang bumitaw kay Papa God.” Pahayag ng isang netizen.


“Ipagpapasalamat po sa Diyos ang lahat, kaunti man o marami, blessing po ‘yan lahat lalo na po ang kalusugan. Kami po, lumaki lang din sa bukid na saging at kamote ang kinakain namin noon, pero may awa po ang Diyos. Dasal lang po. ‘Di niya tayo pababayaan.” Komento naman ng isa pa.





Previous articleSenador Manny Pacquiao, ido-donate ang kaniyang endorsement fee para sa mga naging biktima ng bagyong Ulysses!
Next articleAlex Gonzaga at Donnalyn Bartolome, ibibigay ang kikitain ang latest vlog nila sa mga biktima ng bagyong Ulysses!