Viral

Ama at ina ng magkapatid na ito magkasunod na pumanaw sa loob lamang ng isang taon!



Napakahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi talaga maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng isang taong nawalan ng kanilang pinakamamahal na asawa, anak, magulang, o kaibigan.

Tila ba napakasikip sa dibdib, napakahirap huminga, ayaw mo na sanang lumuha pa ngunit walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa iyong mga mata dahil sa labis na kalungkutan. Marami na sa atin ang nakaranas nito kung kaya naman marami din ang mga taong nakisimpatya at nakiramay sa magkapatid na ito na naulila na sa kanilang mga magulang matapos magkasunod na sumakabilang-buhay ang kanilang ina at ama.



Ibinahagi sa social media ni Justin David Lagman ang kaniyang nararamdaman at tunay na saloobin sa maagang pagkawala ng kanilang mga magulang. Ayon sa kaniyang viral post ay naghihinagpis siya ng husto dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina.

Nasanay kasi siyang palaging nasa tabi niya ang kaniyang ina kung kaya naman hirap na hirap siya ngayong wala na ito. Batid din naman niyang ito na rin ang mas makabubuti upang hindi na mahirapan pa ang kaniyang ina.

“Ma sobrang hirap kasi wala ka na, ma di ako sanay ng ganto kasi sanay ako na nandyan ka sa tabi ko, pero naiintindihan ko naman kasi sobrang hirap ng sitwasyon mo 3yrs ago,” pahayag ni Justin sa kanyang post noong ika-21 ng Mayo.

Ngunit apat na buwan lamang ang nakalipas ay pumanaw naman ang kanilang ama. Bagamat doble dobleng sakit at pighati ang kaniyang nararamdaman sa ngayon ay mas pinili pa rin nitong magpakatatag para sa nakababata nitong kapatid.



“Pa kakawala lang ni mama nung May, tapos ikaw naman ngayon pa? Ang daya mo naman e bat sumama ka na agad kay mama grabeng hirap kasi nga wala na kayong dalawa, kasi wala na akong tatay at nanay alam kong di nyo to ginusto pero siguro nga may Plano si God,” pahayag naman ni Justin nang pumanaw ang kaniyang ama.

Maraming mga netizens ang hindi na napigilan pang magkomento patungkol sa mahirap na sitwasyon ng naulilang magkapatid. Maging ang ilan sa kanila ay nakaranas na rin ng ganito kung kaya naman pinayuhan nila ang magkapatid na magmahalan at magpakatatag sa kabila ng napakasakit na pangyayaring ito sa kanilang buhay.