Viral

Aktres na si Sofia Andres naghanda ng napakaeleganteng “birthday dinner” para sa kaniyang pinakamamahal na nobyong si Daniel Miranda!



Marahil ay madalas na nating marinig ang mga katagang, napakapalad mo nang nilalang kung matatagpuan mo ang tamang tao para sa iyo. Ang taong magmamahal sa iyo at mag-iingat sa habang panahon. “May forever” wika pa nga ng maraming mga Pilipino.

Marahil akala natin noon lahat ng mga kabiguan na nararanasan natin ay wala nang katapusan. Hindi lamang pagkabigo sa pag-ibig kundi maging sa pamilya, sa karera at sa buhay n’yo mismo.



Marami na rin sa atin ang nakaranas ng mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay na madalas ay nababanggit na lamang natin ang mga salitang “ano ba namang klaseng buhay ito!” Tila ba katapusan na ng mundo para sa atin, ngunit hindi pa pala.


Darating din pala ang tamang panahon na magiging tunay tayong masaya sa piling ng taong pinakamamahal natin. Tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Sofia Andres.

Marami man siyang pinagdaanang mga pagsubok at hirap sa buhay ay mababakas mo na ngayon sa kaniyang mga mata ang labis na kasiyahan dahil sa pagdating ng kaniyang napakacute na anak sa kaniyang nobyong si Daniel Miranda. Kamakailan lamang ay naghanda ang aktres ng isang napakaelegante ngunit napaka-intimate na “birthday dinner” para sa kaniyang pinakamamahal na boyfriend.



Nagbahagi ng ilang mga larawan ang aktres sa kaniyang social media account at talaga namang hindi mapigilan ng mga taong bumilib dahil sa aakalain mong inihanda talaga ito ng mga propesyonal. Si Sofia kasi talaga ang naghanda ng sorpresang ito para sa kaarawan ng kaniyang minamahal at siya rin talaga ang naging punong-abala. “Fancy”, “glamorous”, at “elegant” ilan lamang iyan sa mga salitang maaari nating gamitin upang ilarawan ang “birthday dinner” na ito.

Ilang mga larawan pa ang talagang kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa may mga larawan sina Sofia at Daniel na magkasama, napakasweet nilang dalawa. Kasama din nila sa ilang mga larawan ang kanilang anak na si Baby Zoe na namana ang kaniyang kagandahan sa kaniyang mga magulang.