Aktres na si Anne Curtis napagsasabay ang pag-aalaga sa kaniyang napakacute na anak na si Baby Dahlia at ang pangangalaga sa kaniyang katawan!



Aminin man natin o hindi, maraming mga kababaihan ang talagang namomroblema kung paano ng aba ang kanilang gagawin upang maibalik ang katawan nila noong sila ay mga dalaga pa lamang! Madalas kasing hinaing ng mga kababaihan ay ang pagtaba nila o ang labis na pagdagdag sa kanilang mga timbang dahil sa kanilang pagbubuntis at panganganak.

Photo credit: annecurtissmith instagram

Marahil ay malimit natin marinig ang mga katagang “dalawa kasi kaming kumakain kung kaya naman hindi ako maaaring kumain ng kaunti lamang”. Isa ito sa mga dahilan ng pagtaba ng isang babae.

Photo credit: annecurtissmith instagram

Kalaunan naman, kapag sila ay nakaraos na sa panganganak ay nagiging abala na sila sa pag-aalaga ng kanilang anak at asawa. Hanggang sa nakaligtaan na nilang asikasuhin ang kanilang sarili.



Ngunit para sa aktres, modelo, host at businesswoman na si Anne Curtis, kahit gaano pa man siya kaabala sa kaniyang trabaho ay hinding hindi siya mapapagod na alagaan ang kaniyang anak na si Baby Dahlia. Hindi rin niya pinababayaan ang kaniyang sariling kalusugan ang pangangatawan.

Photo credit: annecurtissmith instagram

Araw-araw siyang nag-eehersisyo at kumakain ng mga masusustansiyang pagkain. Kahit kasi abalang-abala na siya sa maraming mga bagay ay isa rin siyang “breastfeeding mom”.

Talaga namang nakakabilib ang aktres na si Anne. Ang ibinahagi niyang video kamakailan lamang ay naghatid ng napakagandang inspirasyon sa maramimg mga kababaihan.

Photo credit: annecurtissmith instagram

Habang pinapasyal niya kasi ang kaniyang anak ay nagagawa pa din niyang mag-ehersisyo! Hindi na niya kailangan pa ng mga gamit sa gym o iba pang mga instrumento dahil sa “stroller” na mismo ng kaniyang anak ang kaniyang nagamit.

Photo credit: annecurtissmith instagram

Hindi rin nakalimutan ni Anne na magpasalamat kay @melissawoodhealth para sa inspirasyong ito kung saan magagawa mo pa ring maalagaan ang iyong pangangatawan kasabay ng pagkalinga sa iyong maliit na supling. Kung kaya naman tiyak na mas maraming mga kababaihan pa sa ngayon ang magiging maalaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan.



Dahil sa kung nagawa nga ni Anne na talagang namang napakarami ding pinagkakaabalahan, tiyak na magagawa din ng mas maraming mga kababaihan depende sa oras at pamamaraang naaayon sa kanilang iskedyul.