Dahil sa krisis na nararanasan natin sa ngayon, napakalaking tulong na ang makatanggap tayo ng mga relief goods mula sa mga mabubuting tao. Madalas ay naglalaman ito ng mga noodles, de-lata, at bigas.

Ngunit ang aktor na ito ay mayroong kakaibang pamamaraan sa ginawa niyang pagtulong. Hindi kasi katulad ng ibang mga taong nagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan, talagang sinusubok ng aktor ang mga taong pagbibigyan niya ng tulong.

Ang aktor na ito ay nakilala bilang si Aamir Khan, isa siyang Indianong aktor na nagpamahagi ng isang kilong harina bilang tulong sa mga kababayan niyang nangangailangan. Marahil ay maraming mga tao ang kumuwestiyon sa aktor kung bakit 1 kilo lamang ng harina ang ipinamahaging tulong nito samantalang hindi pa ito sasapat sa isang kainan ng malaking pamilya.

Ngunit para sa mga taong talagang lubos na nangangailangan ay talaga namang napakalaking tulong na nito kung kaya naman hindi na sila nagdalawang-isip pang pumila upang makakuha ng 1 kilo ng harina. Hindi inaasahan ng marami na ang 1 kilo ng harina pala na iyon ay mayroong lamang 15,000 Ruppees o katumbas ng P10,000 sa loob ng lalagyan!

Sino ba naman ang mag-aakala na mayroon pa lang salapi sa loob ng isang kilo ng harina na iyon? Talaga namang bilib na bilib ang publiko sa wais na pagtulong ng aktor sa kaniyang mga mahihirap na kababayan. Siya ay kilala sa kanilang bansa bilang isang mahusay na aktor.

Madalas rin siyang napapanuod sa mga telebisyon at dumadalo sa mga pagtitipon. Ayon sa ilang mga ulat ay isang trak na punong-puno ng mga plastik ng isang kilong harina ang ipinadala ng aktor sa lugar ng Delhi.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma ang mga reports patungkol dito ngunit talaga namang napakatalino ng makakaisip ng ganitong klase ng pagtulong. Tanging ang mga karapat-dapat at nangangailangan lamang talaga ang magkakaroon ng ganitong klase ng nakakamanghang pagtulong.