Aktor na si Ken Chan, “thankful” at “blessed” dahil sa wakas ay nakapagbukas na rin siya ng limang gasolinahan sa gitna ng pandemya!



Maraming mga nalulungkot, nanlulumo, at nadidimasya dahil sa pagpasok pa lamang ng taong 2020 ay talagang napakarami nang hindi magagandang bagay na nangyari. Ilan na sa mga ito ang sakuna, kalamidad, trahedya at maging ang pandemya na hanggang sa ngayon ay nagdudulot pa rin sa atin ng takot at pangamba.

Image by Ken Chan via Instagram

Kung akala natin ay marami na ang sumuko sa buhay, mas marami pa rin palang mga Pilipino ang nagsusumikap at nagpapakatatag sa buhay. Sa kabila ng napakaraming pagsubok at paghihirap ay nagawa pa rin ng ilang mga Pilipinong makabangon muli.

Sinong mag-aakala na makakapagtayo pa ng limang mga gasolinahan ang aktor na si Ken Chan? Marahil maraming mga negosyo at establisyemento ang kinailangang magsara ngunit naging malaking oportunidad din ito sa Kapuso actor at host na simulant ang pangarap niyang negosyo.



Image by Ken Chan via Instagram

Noon pa man ay pangarap na niya talagang makapagtayo ng isang gasoline station business. At sa gitna nga ng pandemyang ito ay napagtagumpayan niyang makapagtayo ng kaniyang negosyo sa Baliwag at Pampanga.

“Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. Sobrang blessed talaga ko ngayong 2021 and pati na rin noong 2020. Despite ng mga nangyari sa atin na pandemya, still, nagawa ko pa rin po na tuparin ‘yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station,” Pagbabahagi ni Ken.

Nito lamang Nobyembre ay ibinahagi niya ang ilan sa mga larawan ng kaniyang mga gasolinahan sa Baliuag, Bulacan at San Fernando, Pampanga.

Image by Ken Chan via Instagram

“In process of completing some long time goals of mine. Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along!” Pagbabahagi pa ni Ken sa kaniyang Instagram.

“Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities! Maraming-maraming salamat Ama! #SoonToOpen,” dagdag pa niya.



Hindi rin naman niya nakalimutang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ito na kaniyang natanggap ngayong taon. Maliban sa bago niyang mga negosyo ay mayroon na naman siyang bagong proyekto kasama si Rita Daniela, ang GMA series na “Ang Dalawang Ikaw”.