Marami sa atin ang nawalan ng trabaho o pagkakakitaan sa gitna ng pandemya. Napakahirap at talagang nakakalungkot ang naging karanasan nating ito ngunit wala tayong ibang magagawa kundi magtiis nalamang at humanap at panibagong paraan upang kumita ng pera.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng batang ito na 9 na taong gulang lamang. Naglalako kasi siya ng meryenda para lamang kumita ng pera at maipangdagdag sa pang-araw-araw nilang gastos ng kaniyang pamilya.



Ang batanag ito ay nakilala sa pangalang John Banderado na namataang nagtitinda noon sa Brgy. Del Remedio, San Pablo City, Laguna. Ang larawan ng batang ito ay kuha ng isang Aeron Alcantara noong ika-19 na araw ng Setyembre.

Ayon sa naging pagkukwento ng masipag na batang lalaki ay ang nanay niya mismo ang nagluluto ng kaniyang mga paninda. Buntis ang kaniyang ina habang nagtatrabaho naman ang kaniyang ama kung kaya naman siya na mismo ang naglalako ng mga meryandang ito para sa karagdagang panggastos ng kanilang pamilya.

Maraming mga netizens ang labis na humanga at natuwa sa pambihirang kasipagan ng batang ito lalo na ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya. Sa murang edad niya ay nais na niyang makatulong sa kaniyang mga magulang sa simpleng pamamaraan na kaya niya.

Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng publiko patungkol sa viral post na ito:

“Tama yan ginagawa mo, maaga mong natutuhan kung paano mabuhay. Gawin mo yang inspirasyon para magtagumpay sa buhay”, pahayag ng isang netizen.



“Mag-iingat ka lagi iho, gabayan ka at ng iyong pamilya ng mahal na Panginoon” komento naman ng isa pa.

“Sana tularan ka ng ibang kabataang wala nang inintindi kundi ang mag-gadget, maswerte sayo ang mga magulang mo” turan naman ng isa pa.

“Kung malapit ka lang sa amin, nadalhan na kita ng tulong, sana mayroong mabuting kalooban na tumulong sa inyong pamilya” sambit naman ng isa pa.