Kung tutuusin ay napakabata pa ni Jia Jia para alagaan at asikasuhin ang kaniyang ama na nakaratay na lamang sa higaan matapos nitong maaksidente noon habang nagmamaneho ng taxi. Talaga namang umantig sa puso ng publiko ang napakahirap na sitwasyong ito ng mag-ama.

Wala nang nagawa pa si Tian Haicheng, ama ni Jia Jia nang iwanan siya ng kaniyang asawa. Sa loob ng pitong taon ay naging maayos naman ang kanilang pagsasama. Ngunit hindi niya akalain na bigla na lamang siya nitong iiwanan at aabandunahin ang musmos pa nilang anak na si Jia Jia.



Ayon kay Tian ay nagpaalam lang ito na pupunta sa bahay ng kaniyang ina ngunit hindi na ito bumalik pa. Tangay din nito ang isa pa nilang anak, panganay na lalaki.

“She told me on the day that she was going to stay in her mother’s home for a few days. But she never returned, and she took our son with her,” Pahayag ni Tian.

Hindi rin batid ni Tian kung bakit iniwanan sa kaniya ng kaniyang asawa ang kanilang anak na si Jia Jia habang sinama naman niya ang anak nilang lalaki. Ngunit sa kabila nito ay malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil kahit anim na taong gulang pa lamang si Jia Jia ay naaasahan na niya ito sa kanilang bahay lalo na at hirap din siyang kumilos.



Hindi lamang pinapakain at inaasikaso ni Jia Jia ang kaniyang ama dahil sa minamasahe din niya ito ng halos kalahating oras para matulungan itong maibalik ang dating lakas ng kaniyang katawan. Kahit pa inaalagaan ni Jia Jia ang kaniyang ama ay hindi rin nito pinababayaan ang kaniyang pag-aaral.

Bago siya pumasok sa eskwela ay naglilinis pa siya ng lamesa, sinisipilyo ang ngipin ng ama at sinisiguro niyang malinis ang higaan ng kaniyang ama bago siya tuluyang pumasok sa eskwela.

“At the beginning, I didn’t know how to shave, and I cut dad’s face, and it bled. But dad said it wasn’t painful. Now, I’m very good at shaving his beard. My grandmother says I shave it very clean,” Pahayag ni Jia Jia.