10-milyong pisong halaga ng relo ni Willie Revillame na regalo sa kaniyang ng kaniyang kaibigan, mainit na usapin ngayon sa social media!



Madalas nating naririnig ang mga katagang, “It’s better to give than to receive.” Totoo naman.

Screenshot mula sa YT video

Mas mabuti nang ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang binibigyan. Ang ibig sabihin kasi nito ay mas marami kang natatanggap na mga pagpapala dahilan upang magbigay ka din ng biyaya sa iyong kapwa.

Samantalang kapag ikaw naman ang binibigyan ay madalas na ikaw ang medyo kapos sa buhay at talagang nangangailangan. Ngunit paano nga kaya kung ikaw ang talagang tagapagbigay noon pa man, ano kaya ang iyong mararamdaman kung ikaw naman ang bigyan ng isang regalo o sorpresa?



Screenshot mula sa YT video

Kamakailan lamang ay marami ang labis na nasorpresa dahil sa napakamamahaling regalo na natanggap ni Willie Revillame mula sa kaniyang kaibigan na si Sam Versoza. Siya ang milyonaryong CEO ng Frontrow na madalas nating napapanuod sa “Wowowin” na nagbibigay ng tulong sa marami nating mga kababayan.

Sa isa sa mga naging episode ng naturang programa ay bumisita si Sam at dito nga niya ibinigay kay Willie ang kaniyang regalo na ayon sa kaniya ay mula sa “Frontrow”. Talaga namang hindi nakaligtas sa mga mata ng publiko ang “RM 011 Felipe Massa” na gawa ng Swiss watch maker na si Richard Mille na nagkakahalaga pala ng tumataginting na sampung milyong piso!

Screenshot mula sa YT video

Kapansin-pansin na mayroon ding ganitong relo si Sam na mayroong kulay itim na strap. Kulay “orange” naman ang kay Willie na siyang sumisimbolo sa kaniyang programa na “Wowowin”.

“Basta ito ay galing sa…. Priceless ‘yan kasi bigay ito sa akin ni Sam Versoza, napakabait, tumutulong si Sam sa ating mga kababayan, alam ninyo naman ‘yan, Frontrow at si RS (Francisco),” Komento ni Willie.

“Sam Versoza, Direk RS thank you ha. Bigay ng Frontrow sa akin ‘to…Regalo ‘to sa nagreregalo,” Dagdag pa niya.



Talaga namang napakasarap din pala sa pakiramdam na maalala kang sorpresahin o regaluhan ng taong malapit sa iyo lalo na kung ang madalas mo naman talagang gawin ay unahin ang mga tao sa iyong paligid tulad na lamang ng Wowowin host.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *