News, Showbiz, Viral

Concert Queen Pops Fernandez’ home amazes a lot of her fans and supporters!



Marami na sa ating mga hinahangaan na sikat na mga personalidad sa show business ang nagpakita ng kanilang mga tahanan sa loob at labas ng bansa at talaga namang kahanga-hanga ang kanilang naging pagpupursige at pagsusumikap na magkaroon at makapagpundar ng ganitong mga tahanan. Kagaya na lamang ng sikat na mang-aawit sa Pilipinas at nakilala din bilang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Pinasilip nga niya sa marami ang kaniyang napakagandang tahanan. At tulad nga ng ilang mga mommies ilan sa mga paborito niyang bahagi ng kanilang bahay ay ang kanilang kusina at dining area! Para sa isang celebrity mom na mayroong dalawang mga anak, ito ang ilan sa mga lugar sa kanilang tahanan kung saan nakakapaghanda siya ng masasarap na pagkain na kanilang pinagsasaluhan.



Pinaunlakan ng Concert Queen na si Pops Fernandez ang “Yes! Magazine Team” noong taong 2013 kung saan ibinahagi niya na talaga namang marami siyang pinagdaanang pagsubok at pagsasanay bago siya matutong magluto at mag-bake. Ang nakakatuwa pa rito ay katuwang niya ang kaniyang mga anak na sina Robin at Ram na kadalasan ay mga taga-tikim ng kaniyang mga niluluto.

Ayon pa sa sikat na mang-aawit, masaya siya sa tuwing natutuwa ang kaniyang mga anak sa kaniyang inihahandang mga masasarap na pagkain para sa kanila. At talaga namang nagsisilbi itong bonding time para sa kanilang mag-iina.



Ikinuwento din niya na ang pagkain ang isa sa mga paraan ng pagbabonding nila at isa rin ito sa kanilang mga kaligayahan. Maganda ring karanasan diumano ang pagsubok kumain ng iba’t-ibang mga pagkain mula sa iba’t-ibang mga lugar na kanilang pinapasyalan o binibisita.


Ang tahanan ng 52 taong gulang na si Maria Cielito “Pops” Lukban Fernandez o mas kilala ng publiko sa pangalan na Pops Fernandez ay isang 300 square meter na multi-level property na mayroong modern Asian na tema na mayroon ding natural na liwanag, mga wooden elements at glass. Sa loob ng kanilang nakakamanghang tahanan ay ang living at dining area na walang kahit anong dibisyon o hati na nakapagdudulot din ng napakaaliwalas at napakaluwag na espasyo. Talaga namang marami sa atin ang nangangarap na magkaroon din ng ganito kagandang tahanan kung saan lalago at lalaki ang ating pamilya ng masaya at sama-sama.