Pregnancy at a very young age isn’t uncommon these days and here, a senior high school student shared her story of how she hid her pregnancy for eight months to everyone and the struggles she went through with it.

Kelly Fernandez Reyes is the one who shared her story to Kami ph. She’s currently 18-year-old student that time and with a young age where we are still naïve and often do mistakes, she isn’t ready yet to become a mother.

Her mother is working abroad that time and her father isn’t home too. She was pretty scared when she knew that their relationship resulted to an offspring.

She was afraid to tell her parents so she carried her baby secretly. Kelly’s boyfriend also have no idea that their romantic action made her pregnant. No one knows about Kelly’s pregnancy.

via: Facebook

Kelly soloing her own trials made her cry all nights. She doesn’t know what to do, she also tried to get rid of the innocent child but she failed to do so.

She tried to drink softdrinks and take medicol, a medicine, every morning after waking up for almost 1 month. *Taking medicine while pregnant can affect baby’s development so we should not do this.

She also tried to take “Makabuhay”, a very bitter vine, but thankfully, she failed to buy one.

Afterwards, her mother came back home and noticed her tummy. Her mother became mad and sent her to her boyfriend.

She and her boyfriend visited OB gyne to check their baby but the OB said that their baby is too small so she took vitamins and necessary supplements to make the baby big and healthy.

Her baby was born with good health and her grandmother visited that time and was very happy to see her grandchild.

Kelly continued her education and successfully finished Senior High school. Her baby is now a 1-year-old and they’re very happy now.

via: Facebook
via: Facebook

 

Let’s read her detailed story:

Hi! Kami.com.ph I just want to share my story. Sana mabasa niyo. Thank you in advance kung ma ere man.

Im a teenage mom. Noong 18 years old ako lumabas ang pinaka magandang anghel sa buhay ko. Sa hindi inaasahan na pangyayari nabuntis ako ng maaga. Tinago ko to sa loob ng 8 buwan na ako lamang ang nakakaalam. Yeah! Kahit mismo yung nakabuntis sakin na boyfriend ko ay di din alam dahil minsan lang kami magkita madalas ay chat, text & videocalls lang kami. Maraming nakakapansin that time pero dedma lang ako at todo tanggi pa. Nasa abroad ang mother ko non that time.

Ayokong sumama yung loob niya lalo na’t malayo siya samin. Ayokong biguin yung mga pangarap niya at ni daddy para sa akin. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko noon. Walang gabi ang lumilipas ng hindi ako naiyak at kinakausap si god. Umiiyak ako sa kanya gabi gabi humihingi ako ng signs at tulong sa kanya. Gigising ako ng umaga palaging namumugto ang mga mata ko. Dahil nga sa takot ko sa mga magulang ko naisipan kong ipalaglag si baby Nag search ako sa internet na alternatives na pampalaglag pero iisa lang ang kaya ko. Ang uminom ng sprite at medicol tuwing umaga pagkagising yung tipong empty pa ang tiyan mo. Grabe!

Almost 1 month ko yung ginawa pero walang effect! Hanggang sa isang araw may naalala ako sa mga kinuwento ng friend ko dati na effective daw yung MAKABUHAY na pamparegla. Ilang beses ako nagsosorry kay god sa gagawin ko. Araw araw pinupuntahan ko yung bilihan ng makabuhay malapit lang sa school namin. Ngunit bigo ako. Hindi ko naaabutang bukas ito, di ko alam kung wala na sila dun o nasasaraduhan lang ako sa iba’t ibang oras bawat araw. Hanggang sa nararamdaman ko na yung tiyan ko na nagalaw na siya at naninipa na dun na talaga ako kinabahan ng todo. Doon na rin nagsimula na tamarin akong pumasok sa school. Ang alam ng tatay ko napasok ako pero ang totoo maghapon lang akong tulog sa bahay namin. Hanggang sa isang araw tumawag ang nanay ko sa amin at binalita niya samin na pauwi na raw siya. Kabadong kabado ako noon at di mapakali.

Tinatyaga ko tumalon sa hagdanan araw araw para malaglag siya pero wala talaga. Makapit siya. November 3, 2016 dumating na ang nanay ko at sinundo namin siya sa airport. Yung backpack ko sa harapan ko palagi nilalagay at sa bus at nakahiwalay ako sa kanila para di mahalata ng lahat na buntis ako. Kinabukasan November 4, 2016 pumasok ako sa school at napansin ng nanay ko na nahihirapan ako magsapatos. Pag uwi ko ng hapon galit na galit akong sinalubong ng nanay ko at yun pinag hubad niya ako as in hubad. Hinipo niya yung tiyan ko at umiyak. Pinalayas nila ako at ipinasama sa boyfriend ko. 8 months na yung tiyan ko non. Pinacheck up ng asawa ko and yung ob ko di makapaniwalang 8months na ang nasa sinapupunan ko dahil sobrang liit daw nito. 2-3weeks hinabol namin ang mga vitamins at mga kailangang gamot na inumin and so yun lumaki agad si baby sa tiyan ko galing!

December 8, 2016 Lumabas ang healthy baby girl namin Hindi ko inaasahang dadalaw doon ang mga magulang ko. Natutuwa sila para sakin at sa apo nila.

December 21, 2016 Pumunta kami sa palengke para mamili ng pamasko. Hindi naming inaasahan na makita yung tindahan ng MAKABUHAY oo tama kayo ng basa BUKAS sila. So lahat ng ito pala ay SIGNS sa akin ni God. TUNAY NGA ANG SIGNS MULA KAY GOD! HINDI NIYA KAMI BINIGO! ISA SIYANG KAHANGA HANGANG DIYOS. Kaya naman karapat dapat lamang siyang purihin at pasalamatan. Thankyou so much papa god ginawa mo to sakin dahil may dahilan ka. Isa kang dakila. Ngayon 1 year and 3months na ang baby girl at healthyng healthy. This coming April 6, 2018 Gagraduate na ako ng senior high. Thankyou so much my God.

 

Source: Kami ph



Loading...