Viral

Volunteer firefighter, sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa hindi nito nailigtas ang kuya ng sanggol na inuna niyang sagipin mula sa sunog!



Ang pagpasok ng taong 2020 ay hindi naging madali para sa maraming mga Pilipino. Hindi lamang mga trahedya, sakuna at kalamidad ang naranasan natin kundi maging pandemya at iba pang mga nakakabiglang pangyayari.

Photo: Alenie Laureta Gallardo

Sa kabila ng mga pagsubok na ito ay talagang nagsusumikap at nagpapakatatag ang marami sa atin upang ipagpatuloy ang ating mga buhay. Kamakailan lamang ay muli na naman nating naramdaman ang galit ni Inang Kalikasan.

Hindi kasi inaasahan ng ilan sa atin na magiging matindi pala ang pinsala ng bagyong Ulysses. Ang mga lugar sa Camarines Sur, Maynila at maging sa Gitnang Luzon ay labis na napinsala.



Hindi rin inaasahan ng mga residente sa Brgy. Manuyo Uno sa Las Piñas na makakaranas sila ng matinding sunog sa gitna ng pananalanta ng bagyong Ulysses. Ilang mga buhay din ang nawala dahil sa sunog na ito kabilang na ang kapatid ng isang sanggol na nailigtas ng isang “Volunteer firefighter”.

Ayon sa naging post ng netizen na si Alenie Laureta Gallardo, tiyahin ng sanggol na nailigtas, ay hindi na dapat pa sisihin ng “Volunteer firefighter” ang kaniyang sarili dahil sa hindi niya nailigtas ang nakatatandang kapatid ng sanggol. Para sa pamilya ay napakalaking bagay na ang nailigtas nito ang buhay ng kawawang sanggol mula sa tiyak na kapahamakan.

Kapansin-pansin naman na “Volunteer firefighter” lamang ang binata dahil sa kasuotan nito. Wala rin itong mga “safety gear” na suot upang protektahan ang kaniyang sarili mula sa sunog, usok at kapahamakan habang nagliligtas ng buhay ng iba.

Photo: Alenie Laureta Gallardo

Agad na dinala sa Las Piñas District Hospital ang binata upang magamot ang mga sugat na tinamo nito dahil sa insidente.

“Kuya, isa kang bayani. Huwag mo pong sisihin ang sarili mo. Nailigtas mo si Gab-Gab at isang malaking pasalamat na agad para sa iyo,” pahayag ni Alenie.



Tunay nga na sa panahong ito ay hindi na dapat pang magsisihan ang mga tao bagkus ay magpasalamat na lamang na kahit papaano ay mayroon pa ring nagsusugal ng sarili nilang buhay at kaligtasan para sa kapakanan ng kanilang kapwa.