Showbiz, Viral

Tekla pabirong nagreklamo sa kaniyang vlog dahil sa taas ng bayarin nila sa kuryente na sinisi niya kay Michelle at sa mga kasama niya sa bahay!



Hindi na nga magkamayaw ang mga netizens sa kabi-kabilang mga videos at paratang ng kinakasama ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag laban sa sikat na host at komedyante. Ilan sa mabibigat na rebelasyon niya ay ang pamimilit diumano sa kaniya nito na makipagsiping sa kaniya kahit pa nga masama ang kaniyang pakiramdam.

Bukod pa rito ay ginugutom daw sila ni Tekla at hindi iniiwanan kahit kaunting halaga pambili ng kanilang makakain. Naging emosyonal din si Michelle nang sabihin niya sa programa ni Raffy Tulfo kung paano siya itrato ng hindi tama ni Tekla.



Hindi na raw asawa ang turing nito sa kaniya kung kaya naman nagdesisyon na siyang lumapit at humingi ng tulong sa kilalang programa na ito. Sa kabila ng maiinit na mga pahayag na ito ni Michelle ay nanatiling tahimik si Tekla.

Kasunod nito ay ang paglabas ng mga larawan at mga video na tila sumasalungat sa mga naunang pahayag ni Michelle laban sa komedyante. Sa ilang mga throwback photos kasi nila ay makikitang enjoy na enjoy at talagang masayang-masaya silang dalawa sa kanilang “date” at “bonding moments”.

Sa ilang mga larawan ay makikita ring kasama nila ang ilan sa mga kaibigan ni Tekla sa showbiz at mga kamag-anak ni Michelle na magkakasama sa isang kainan o restawran. Kamakailan lamang ay naging viral din ang video ni Tekla kung saan pabiro siyang nagreklamo sa taas ng babayaran nila sa kuryente dahil sa mga kasama niya sa kaniyang “condominium unit” na walang ibang ginawa kundi maglaro ng mobile games sa kanilang mga cellphone kabilang na ang kaniyang kinakasamang si Michelle at ang kapatid nito at kinakasama din nito.



Ngunit bandang huli ay nagpahayag din naman si Tekla na maging siya ay talagang nahihilig din sa paglalaro ng mobile game na ito. Maraming mga netizens sa ngayon ang nagpapakita at nagpapahayag ng kanilang suporta kay Tekla sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap niya sa ngayon.