Viral

Tambalang MarGel nakapagpundar na ng sasakyan at bahay dahil sa kanilang mga vlogs!



Madalas na hinuhusgahan ng mga tao ang kanilang kapwa dahil sa kulay ng kanilang balat o di kaya naman ay sa estado ng kanilang buhay. Kung ikaw ay mahirap at maitim ang iyong balat tiyak na mababa ang tingin sa iyo ng ilang mga tao samantalang kung maputi naman ang iyong balat at nakakaangat ka sa buhay ay tiyak na napakataas ng tingin nila sa iyo at irerespeto ka ng husto.

Nakalulungkot lamang na mas maraming mga Pilipino ngayon ang mayroong ganitong mentalidad. Ngunit mayroon pa rin namang kakaunti naniniwalang hindi dapat pagbasehan ang pisikal na anyo para lamang sa respetong matatanggap ng isang tao mula sa kaniyang kapwa.



Isang buhay na patotoo na marahil ang buhay ng 18 taong gulang na si Mariano Lingay na isang katutubong Aeta na naninirahan sa Mabalacat, Pampanga. Pagtitinda ng mga “wooden flute” ang hanap-buhay nilang mag-ama habang ang kaniyang ina naman ay nagtitinda ng gulay.

Anim silang magkakapatrid at ikatlo siya sa mga ito kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagsusumikap na kumita ng pera. Hindi niya akalain na dahil sa kaniyang kasipagan at hilig sa pagkanta ay madidiskubre siya ng isang talent agency nang minsan siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge.

Kinuha siya nitong star ng kanilang vlogs. Noong una ay pinapakita lamang ni Mariano ang angkin niyang husay sa pag-awit ngunit kalaunan ay nakilala at umibig na siya sa isang dalagang nagngangalang Angel na mula sa Porac, Pampanga.



Noong una ay naaawa lamang daw si Angel sa binata ngunit kalaunan ay napamahal na rin siya rito. Sa ngayon nga ay inamin ng dalawa na halos isang buwan na rin ang kanilang relasyon. Marami mang nagsasabing hindi sila bagay sa isa’t-isa ay patuloy pa ring nagiging matatag ang dalawa.

At sa ngayon nga ay mayroon nang isa’t kalahating milyon ang kanilang YouTube channel. Dahil rin sa dumarami nilang mga tagasubaybay ay nakapagpundar na sila ng sarili nilang bahay at sasakyan.



Mayroon nang sasakyan si Angel habang nakapagpundar na ng sarili niyang bahay si Mariano para sa kaniyang pamilya. Talaga namang nakakamangha ang tagumpay nilang ito na sabay nilang naabot at tiyak na mas marami pang tagumpay ang kanilang makakamit sa hinaharap.