Viral

Sweet dinner date nina Jodi Sta.Maria at Raymart Santiago kuha sa camera, in a relationship na nga ba?



Hindi bago sa maraming mga Pilipino ang mga usap-usapan ng papasibol na relasyon ng mga iniidolo nating artista noon at ngayon. Ngunit kahit pa nga tila isang natural na bagay na lamang ito sa industriya ng show business ay hindi pa rin mawala-wala sa ating ang makaramdam ng pagkagulat at sorpresa sa tuwing makakabalita tayo ng mga namumuong relasyon ng mga kilalang personalidad sa bansa.

Halimbawa na lamang ay ang kumakalat ngayong mga sweet na larawan nina Jodi Sta.Maria at Raymart Santiago na kapwa mga sikat na artista. Sa viral na mga larawan kasi nila ay makikita ang napakatamis nilang gawi at tinginan para sa isa’t-isa.



Sa isa sa mga larawang ito ay makikitang mahigpit ang yakap ni Jodi kay Raymart at talagang sweet na sweet ang dalawa. Mayroon din silang larawan kung saan makikitang kapwa sila nakasuot ng face masks kung kaya naman masasabi talaga ng mga taong makakakita ng kanilang mga larawan na bago lamang ang mga larawang ito at hindi noong mga nakaraang taon pa.

Ayon kay Salve Asis ng Philippine Star ay talagang nakakaintriga ang mga larawang ito na ibinigay sa kaniya ng kaniyang “reliable source”. Ayon sa komento ng ilang mga netizens ay tilaa sa “Ayala Alabang” kuha ang mga larawang ito.



“Surprise dinner” ng aktres para kay Raymart. Dagdag pa ni Salve ay maaaring espesyal na okasyon ang ipinadiriwang ng dalawa dahil sa sobrang detalyado nito. Mayroong ilang mga ulat na nagsasabing Abril nang magsimula ang matamis na pagtitinginan ng dalawa.
Apat na buwan makalipas ang relasyon nina Raymart at Ayala Corporation Executive na si AC Legarda. Nagtanong din naman si Salve sa isang ABS-CBN executive kung mayroong bagong prokyekto sina Jodi at Raymart na kanilang pagtatambalan ngunit ang sagot lamang nito ay “Parang wala”.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring kumpirmasyon tungkol sa tunay na relasyon ng dalawa.