Showbiz

Sunshine Cruz sumagot sa naging post ni Lolit Solis tungkol sa nakaraan nila ng kaniyang dating asawang si Cesar Montano!



Si Sunshine Cruz ay 43 taong gulang na aktres at singer. Siya ay bahagi ng isang kilalang angkan sa industriya ng show business, ang pamilya Cruz.

Ikinasal siya noon sa aktor at direktor na si Cesar Montano noong taong 2000. Biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.



Talaga namang napakaganda ng kanilang mga anak na lumaki sa poder ng aktres. Naghiwalay ay napawalang-bisa rin kasi ang kanilang kasal at talagang naging mainit itong usap-usapan ng publiko.

Ilang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ito at sa ngayon ay mayroon na silang kaniya-kaniya nilang kasama sa buhay. Si Sunshine ay masaya sa piling ng kaniyang nobyong si Macky Mathay habang si Cesar naman ay kuntento na rin sa kaniyang partner na si Kath Angeles na ayon sa ilang mga ulat ay nagkaroon na din siya ng tatlo pang mga anak.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang pahayag ang batikang “talk show host” at “entertainment news writer” na si Lolit Solis. Ayon sa naging post nito sa kaniyang Instagram ay tila wala pa ring tuldok ang isyu patungkol sa dating mag-asawang Cesar at Sunshine.

Para sa kaniya ay hindi na dapat pa nagkokomento ang isa’t-isa laban sa bawat isa upang matapos na ang lahat ng usapin o issue tungkol sa kanila. Lalo na at mayroong tatlong anak na babae ang dating mag-asawa, dapat ay isaalang-alang na lamang nila ang mararamdaman ng mga ito sa tuwing mayroong naging isyu tungkol sa kanila.



“No more hot words”, wika pa ni Lolit. Kung maaari daw sana ay para na lamang sa kanilang mga anak ang kanilang maging komunikasyon.

Narito naman ang naging pahayag ni Sunshine patungkol dito:
“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex-husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho.”