Viral

Sinon Loresca sa mga batang kalye ng Myanmar: “Namamalimos din ako dati.”



Maraming sa atin ang nakaranas ng mga pagsubok at hirap ng buhay mula pa nang ating kabataan. Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na ito ay mas lalo pa tayong nagiging matatag at patuloy pa tayong lumalaban sa buhay.

Hindi kailanman naging madali ang mga karanasang ito ngunit sa tulong at gabay ng Diyos ay tiyak na magiging maayos din ang lahat. Marahil marami sa ating mga Pilipino ang minsan nang bumilib kay Sinon Loresca na binansagang “The King of Catwalk”.



Talaga namang nakakabilib ang naging pagdadala niya sa kaniyang sarili hindi lamang sa pagkakaroon niya ng napakagandang pangangatawan kundi maging sa pagsusuot niya ng mga matataas na takong ng sapatos habang rumarampa. Sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon ay naranasan din pala niyang mamalimos noon sa Payatas kung saan siya lumaki.

Sa ngayon ay abala si Sinon sa paggawa ng ilang mga commercial at videos sa Myanmar na naglalayong maipagmalaki ang taglay na kagandahan ng lugar. Kahit pa nasa ibang bansa si Sinon ay hindi naman siya nakalimot na tumulong sa mga taong nangangailangan.
Abala din kasi siya sa mga charity works na kaniyang ginagawa sa naturang bansa. Isa na nga sa mga ito ay ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga batang namamalimos at naninirahan sa lansangan.

Ayon sa naging pahayag ni Sinon, batid niya ang hirap ng mga kabataang ito at ng bawat pamilyang naninirahan sa kalye dahil minsan na rin siyang napunta sa ganitong sitwasyon. Para sa kaniya napakalaking bagay nang mayroong naglalaan ng oras upang kamustahin o kausapin ang isang batang kalye.

Akala niya noon ay wala nang ibang taong may pakialam sa kaniya lalo na at namamalimos lang naman siya sa lansangan. Ngunit napakasarap pala sa pakiramdam na mayroong taong nagmamalasakit sa iyo at kahit papaano ay naglalaan ng oras para sa iyo.



Kung kaya naman sinisikap niya ding gawin ito sa mga batang namamalimos sa lansangan ng Myanmar.