Viral

Shamcey Supsup ibinahagi ang kaniyang “humble beginnings” noong nakatira pa sila sa probinsiya!



Maraming mga tao sa ngayon ang talagang huhusgahan ka dahil lamang sa iyong pananalita, kilos o galaw kahit pa nga hindi ka nila lubusang kilala. Mayroon ding mga taong natatakot na makantyawan dahil sa pagiging promdi nila o dahil sa nasanay na sila sa pamumuhay nila sa probinsiya noon bago pa man sila nanirahan sa Maynila.

Pero para kay Miss Universe 2011 3rd runner up, Shamcey Supsup, proud na proud siyang maging isang promdi. Kamakailan lamang ay hindi napigilan ng beauty queen na balikan ang masasayang alaala ng kaniyang kabataan sa kanilang probinsiya kung saan nag-aalaga ang kaniyang pamilya ng mga bibe, manok, at kalabaw.



Ayon kay Shamcey madalas siyang mapagalitan ng kaniyang ina dahil sa napakaitim niyang talaga kumpara sa kaniyang mga kaibigan na talagang makikita mong maayos at sosyal ang pagkilos. Laking General Santos ang beauty queen ngunit kinailangan nilang lumipat sa Maynila.


Hindi niya talaga gusto ang ideya na ito dahil sa ayaw niyang laitin ng ibang tao ang pagsasalita niya ng Tagalog. Ngunit sa kabila ng pangamba niyang ito ay nagsumikap pa rin siya at nagtiyaga sa pag-aaral.

Naging “salutatorian” naman siya ng pinasukan niyang paaralan sa Makati at kalaunan ay nakapasok pa sa pangarap niyang unibersidad, ang UP o ang Unibersidad ng Pilipinas. Matapos nito ay bahagi na ng kasaysayan ang lahat ayon kay Shamcey.



Bilang panghuling mensahe ay pinaalalahanan niya ang maraming mga promdi katulad niya na huwag mahiya o huwag matakot dahil sa pang-world class ang kanilang mga talent at buong pagkatao. Tulad niya na nakarating na ng “universe” ay hindi rin dapat tayo sumuko kaagad.

Si Shamcey Gurrea Supsup-Lee ay 34 na taong gulang na “pageant director”. Kinoronahan na siya noong 2011 bilang “Binibining Pilipinas Universe”. Siya ay naging kinatawan ng bansa sa 60th Miss Universe pageant na ginanap sa São Paulo, Brazil kung saan siya nagwagi bilang 3rd-Runner Up.