Good deeds, Viral

Senador Manny Pacquiao, ido-donate ang kaniyang endorsement fee para sa mga naging biktima ng bagyong Ulysses!



Ang pamilya ni Senador Manny Pacquiao ay kilala sa pagkakaroon ng isang mapagpakumbabang ugali, matulungin at talagang may takot sa Diyos. Maaaring napakarami nilang mansyon, magagarang mga sasakyan, ari-arian at mga negosyo sa loob at labas ng bansa ngunit hindi talaga sila nagsasawang tumulong sa kanilang mga kababayan.

Madalas nga na inaabangan ng publiko ang pagdating ng pamilya sa mansyon nila sa GenSan tuwing Kapaskuhan dahil tiyak na magpapamahagi na naman sila ng pera sa marami nilang mga kababayan. Kamakailan lamang ay muli na namang ipinamalas ni Senador Manny ang kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal sa maraming mga Pilipino.




Ibinahagi niya kasi sa publiko na ang kaniyang magiging “endorsement fee” sa pagiging isang brand endorser ng isang telecommunication company ay ido-donate niyang lahat sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Talaga namang magiging napakalaking tulong nito para sa maraming mga pamilyang nasiraan ng kanilang mga kabahayan at kabuhayan.

Lalong lalo na ang mga bayan ng Cagayan, Rizal, Marikina at Isabela. Dagdag pa ni Manny, ang pandemya ang isa sa pinakamahirap na pagsubok na dinaranas natin hanggang sa ngayon ngunit pinaalalahanan niya ang maraming mga Pilipino na hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa at hindi tayo dapat sumuko.

Laking pasasalamat din ng Pambansang Kamao dahil sa nagkaroon na naman siya ng pagkakataon upang makatulong sa mga taong mas nangangailangan lalo na sa panahon natin ngayon. Maraming mga netizens din naman ang talagang sumaludo kay Senador Manny dahil sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa niya at ng kaniyang pamilya ay hindi pa rin niya nakakalimutang magbalik ng lahat ng biyayang kanilang natatanggap sa kaniyang kapwa.



Hindi lahat ng tao ay mayroong busilak na puso tulad niya kung kaya naman ngayon pa lang ay marami nang mga nagpapasalamat sa kaniya dahil sa pagnanais niyang makatulong sa iba. Napakarami mang hirap at pagsubok sa buhay natin ngayon, sadyang gumawa at gumawa pa rin ng paraan ang Diyos upang tayo ay matulungan.

Kailangan lang naman nating manalangin at magkaroon ng mas matatag na pananampalataya at tiyak na mas madali nating malalampasan ang lahat ng mga hindi kanais-nais na bagay na ito, kalamidad, sakuna man o pandemya.