Showbiz

Rufa Mae Quinto, ibinahagi sa publiko ang naging masayang bonding nila ng kaniyang anak na si Athena habang namimitas sila ng “pumpkin”!



Kaligayahan na talaga ng mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na masaya at malusog. Talaga namang walang ibang nais ang mga magulang kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak.

Kung kaya naman para sa kaniyang anak na si Athena ay gagawin ni Rufa Mae ang lahat para lamang mapasaya ito. Kasalukuyang nasa Estados Unidos ang mag-ina upang makapiling nila ang haligi ng kanilang tahanan na nagtatrabaho rito, si Trevor Magallanes.



Sa latest vlog ng sikat na comedienne ay ibinahagi niya ang naging masayang bonding nilang mag-ina. Ang kaniyang vlog ay mayroong pamagat na “The Ritz-Carlton, Half Moon Bay and Pumpkin Picking with Athena/Rufa in the Bay”.

Ang tinutuluyan nilang hotel na Ritz-Carlton ay talaga namang napakaganda at napakaelegante ng disenyo sa labas at loob. Malapit din sa karagatan ang lokasyon nito kung kaya naman naging napakagandang pagkakataon din ito para kay Rufa Mae na mamahinga.
Ipinasilip din niya ang naging pagsisimula ng kanilang araw kung saan kumain na muna ang mag-anak ng meryenda. Mayroong “lobster rolls”, pizza, poke rice at “chicken breast” na nakahanda para sa kanila.



Si cute na cute namang si Athena ay nag-ihaw ng marshmallow. Sa ikalawang araw ng kanilang pamamasayal ay napagdesisyunan nilang mamitas ng mga “pumpkin”.

Napakalawal ng lugar at talaga namang napakaraming mga “pumpkin” na maaaring pitasin na mayroong iba’t-ibang hugis at laki. Talaga namang napakasarap pagmasdan ang napakagandang ngiti sa kanilang mga labi.

Maaaring hanggang sa ngayon ay mayroon pa rin tayong takot at pangambang nararanasan dahil sa pandemya ngunit hindi rin natin dapat kalimutang maglaan ng oras at panahon para sa ating mga mahal sa buhay. Naging napakahirap man ng taong ito para sa marami sa atin ay marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos.



Hindi lamang dahil sa maayos na bahay na ating nasisilungan, masarap na pagkain sa ating hapag-kainan kundi maging sa malusog na pangangatawan ng ating mga mahal sa buhay.