Good deeds, Viral

Robin at Mariel Padilla nagpatayo ng isang apartment para sa kanilang mga kasambahay at pamilya nila!



Sa lahat ng mga hirap at sakripisyo ng maraming mga pamilya ngayon dahil sa pandemyang patuloy na nararanasan ng buong mundo, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang marami sa atin na darating din ang panahon na matatapos din ang lahat ng mga pagsubok na ito at magbabalik din ang lahat sa normal. Sa ngayon ay maraming mga nawalan ng trabaho, mga pamilyang nawalay sa isa’t-isa at mga negosyong nalugi at kinailangan nang magsara.

Nakakalungkot ang mga sunod sunod na pangyayari mula nang pumasok ang taong 2020 ngunit naroroon pa rin ang pananalig at pagtitiwala natin sa bawat biyaya ng Diyos sa ating buhay. Sinong mag-aakala na maging ang mga kasambahay na ito ng pamilya Padilla ay mabibigyan ng panibagong pag-asa at ng maagang pamasko?



Ibinahagi kasi ng celebrity couple na sina Robin at Mariel Padilla ang ginawa nilang sorpresa para sa kanilang mga anghel. Laking pasasalamat nila sa kanilang mga kasambahay dahil hindi nila kailanman pinabayaan ang kanilang buong pamilya.

Kung kaya naman bilang ganti sa pagiging maalaga, magalang at tapat ng kanilang mga kasambahay ay nagpagawa ang mag-asawa ng isang apartment sa compound mismo ng Museo Padilla. Mula kasi nang kumalat ang sakit na COVID-19 sa bansa ay naging mahigpit na ang pamilya lalo na sa mga taong lumalabas at pumapasok sa kanilang sambahayan.

Hindi kasi nila nais na magkaroon ng sakit dahil sa mayroon pa din silang dalawang maliliit na mga anak. Kung kaya naman maging ang kanilang mga kasambahay ay hindi na rin nakakauwi sa kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil dito ay napagdesisyunan ng mag-asawa na ipagpatayo na lamang ng apartment ang kanilang kasambahay upang doon na sila manirahan kasama ang kanilang mga pamilya. Tunay ngang naging emosyonal naman ang kanilang mga kasambahay dahil sa kailanman ay hindi nila naranasan ang ganitong uri ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang amo at maging sa ibang tao.



Ang pamilya nina Robin at Mariel ay nagsilbing magandang huwaran hindi lamang sa mga katulad nilang artista kundi sa maraming mga Pilipino.