Viral

“Photo enhancement” ng ilang mga batikang artista, patok ngayon online!



Bilang mga Pilipino, hindi na sa atin bago ang paghanga sa mga mahuhusay na aktor, aktres, mang-aawit, at mga mananayaw lokal man o internasyonal. Marami sa atin ay bumibili pa noon ng mga “posters”, mga larawan ng mga iniidolo natin, at siyempre palagiang pinapanuod natin ang kanilang mga palabas.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang “photo enhancement” at “colorization” ng “Kulay Colorization” sa ating mga perang papel, barya at maging sa mga naging presidente ng Pilipinas. Napakaraming mga tao ang hindi makapaniwalang maaari na pala itong gawin sa ngayon, gamit ang mga modernong kagamitan ay tila nabuhay muli ang mga bagay at mga larawan na ito.



Hindi nagtagal at muli na naman silang naglabas ng ilang mga larawan ng mga batikang artista sa industriya ng showbiz sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat, ang talentadong digital artist ay walang iba kung hindi si “Adlai Garcia Jawid”.

Aakalain ba ninyong nasa 30 mga artista ang nagawan niya ang “photo enhancement”? Hindi rin nawala ang mga pagpapakilala sa mga mahuhusay na artistang ito.

Ilan nga sa mga batikang artistang ito ay sina Dolphy, Armando Goyena, Ben “Bentot” Cosca, Carlos Salazar, Cesar Ramirez, Chiquito, Dindo Fernando, Dolphy, Eddie “Manoy” Garcia, Eddie Messa, Eddie Rodriguez, Fred Montilla, Jaime dela Rosa, Jose Mari Gonzales, Joseph “Erap” Estrada, at Fernando “Da King” Poe Jr. Hindi rin naman nawala ang mga larawan nina Nestor De Villa, Leopoldo Salcedo, Leroy Salvador, Lou Salvador, Jr., Luis Gonzales, Mario Montenegro, Oscar Moreno, Panchito, Pancho Magalona, Ric Rodrigo, Rogelio De La Rosa, Romeo Vasquez, Rudy Francsico, at Ramon Revilla, Sr.



Talaga namang hindi mo aakalain na ang iba sa kanila ay sumakabilang-buhay na dahil sa buhay na buhay ang pagkakagawa sa kanilang mga larawan. Hindi na nakapagtatakang nagdulot ito ng “nostalgia” sa marami nilang tagasuporta at tagahanga.