Family, Viral

Number 1 Pinoy surfer ng Siargao ikinasal na sa kaniyang napakagandang nobya!



Sabi ng mga matatanda, “love moves in mysterious ways”. Sadyang napakaraming mga bagay ang hindi natin maintindihan lalo na kung tungkol sa pag-ibig.

Hindi lahat ng tao pinapalad na makaranas ng tunay na pag-ibig ngunit kapag ito ay naranasan mo na, talaga namang wala nang makakapantay pa sa kaligayahang iyong mararamdaman. Maaaring maraming mga magkasintahan o mag-asawa ang magkaibang-magkaiba ng ugali o ng pisikal na katangian ngunit pinagtatagpo pa rin sila ng tadhana at nagkakaroon ng napakagandang pagsasamahan.



Isa na marahil sa pinagpalang mag-asawa ay ang pangunahing surfer ng Siargao na si John Mark Tokong o mas nakilala ng marami bilang si Marama Tokong at ang Australian niyang misis na si Danni Hughes. Ipinagdiwang nila ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang “intimate wedding” na ginanap sa Australia.

Ayon sa ilang mga balita ay madalas na nagiging kinatawan ng ating bansa si Marama pagdating sa mga national at international surfing competitions. Talaga namang napakahusay niya sa larangan na ito kung kaya naman hindi na nakapagtataka na makapag-uwi siya ng maraming mga karangalan.


Maliban nga sa kaniyang matagumpay na karera ay mayroon na din silang cute at napakagandang anak na babae ng kaniyang misis na si Danni. Viral ngayon sa social media ang mga wedding photos nilang mag-asawa at talagang maraming mga netizens ang labis na namangha sa kanilang kwento.



Tunay nga na hindi hadlang ang mga sinasabi ng mga tao o maging ang mga pagkakaiba ng dalawang taong nagmamahalan patungkol man ito sa lahi o sa pisikal na anyo. Ang tunay na pag-iibigan ay walang kulay, walang anyo at walang kailangang patunayan.

Basta’t mahal nila ang isa’t-isa at masaya sila sa piling ng bawat isa ay wala na silang dapat pang ipaliwanag sa ibang tao. Kung kaya naman para sa mga taong hindi pa natatagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig, huwag mag-alala dahil sa darating din ang tamang panahon para d’yan.



Sabi nga nila magpaka-busy ka munang ihanda ang iyong sarili para sa pagdating ng taong matagal mo nang hinihintay.