Viral

Nanay nakatanggap ng isang damit na binili ng kaniyang mga anak sa isang ukay-ukay!



Sadyang napakalaki ng pagkakaiba ng “single life” natin kumpara sa “married life”. Tunay nga na kapag nagkaroon ka na ng sarili mong pamilya ay mas magiging responsable kang tao at mas uunahin mo ang iyong asawa at mga anak bago ang iyong sarili.

Maraming nagsasabing hindi madali ang maging isang magulang dahil mas malaking responsibilidad ang nakaatang sa iyong mga balikat ngunit hindi rin naman talaga matatawaran ang kagalakan na iyong mararamdaman lalo na kung makikita mong maayos ang naging pagpapalaki mo sa iyong mga anak. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang magkapatid na ito dahil sa sorpresang hatid nila sa kanilang mahal na ina.



Binilhan kasi ng dalawang batang lalaki ng isang magandang blusa ang kanilang nanay mula sa isang ukay-ukay. Sarili din nilang pera ang kanilang ginamit para dito kung kaya naman labis na nasorpresa ang kanilang ina.

Ang may-ari mismo ng ukay-ukay na binilhan ng magkapatid ang nagbahagi ng kanilang mga larawan sa social media. Siya ay nakilala bilang si Sarah Alexandrea Daculap.
Ayon sa ibinahagi niyang post sa social media ay naghihintay siya ng kostumer ng mga oras na pumasok ang dalawang batang lalaki sa kaniyang tindahan. Naghanap kaagad sila ng damit ngunit pambabae ang hinahanap nila kung kaya naman nagtaka si Sarah.

Nang tanungin niya ang mga ito ay para pala sa kanilang ina ang bibilhin nilang damit na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ng mismong araw na iyon. Naging viral ang kwentong ito kung saan nakilala rin ang maswerteng ina na is Meilyn Caca.



Ayon sa kaniyang pahayag ay isa lang pala sa mga batang ito ang kaniyang anak habang ang isa naman ay kaniyang pamangkin. Nasopresa siya sa regalong natanggao niya mula sa kanila dahil sa hindi niya talaga ito inaasahan.

Tunay nga na hindi palaging mga magulang lamang ang nakakaalala sa kanilang mga anak dahil minsan ay mayroon ding mga anak katulad ng dalawang batang ito. Napaka-sweet hindi ba?