Viral

Nakakamanghang pagbabago ni Ate Glow ngayon at ang kaniyang gwapong mister, usap-usapan sa social media!



Tayong mga Pilipino, kilala tayo sa pagiging masayahin. Maaaring marami tayong mga problema o pagsubok na ating kinakaharap sa ating buhay araw-araw ngunit hindi pa rin nawawala sa atin ang maging masaya at positibo sa buhay.

Sabi nga ng marami sa atin, kung marami mang ibinibigay na dahilan sa atin ang buhay upangsumuko, mayroon pa rin tayong makikita kahit isang dahilan upang magpatuloy sa buhay. Dahil nga sa ugali nating ito ay hindi na rin nakapagtakang marami tayong mga sikat na komedyante na alagang hinahangaan at kinabibiliban natin.



Isa na marahil sa kanila si Ate Glow o si Renee Hampshire. Nakilala siya noon dahil sa nakakatuwang impersonasyon o paggaya niya sa dating pangulo ng bansa na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Siya ay bunso sa apat na magkakapatid. Kahit pa nga sa edad na tatlo o apat na taong gulang ay batid na niyang hindi siya “straight” na lalaki, hindi ito naging malaking problema kahit sa tatay niya na isang pulis. Ayon sa ilang mga ulat, hindi tipikal na “gay” ang naging pamumuhay niya noong kaniyang kabataan na madalas maglaro ng mga manika at iba oang larong pambabae dahil sa hilig pa rin niya ang ilang mga larong panlalaki tulad na lamang halimbawa ng tumbang-preso at luksong-baka.


Maliban pa rito ay isa rin siyang “consistent honor student” at madalas na lumalahok siya sa mga “extra-curricular activities” sa kanilang eskwelahan. Masayahin din siya noong kaniyang kabataan kung kaya naman marami ang natutuwa sa kaniya.



Taong 2003 nang maging bahagi siya ng Live Aid, UP SAMASKON, kung saan naging impersonator siya ng dating pangulo. Hindi naman nagalit ang pangulo noon sa kaniyang panggagaya bagkus ay ginawa pa nga siya nitong “ambassador” laban sa ilegal na droga.

Sa ngayon ay napakalayo na nga ng narating niya at napakalaki na rin ng kaniyang naging pagbabago lalo na sa kaniyang panlabas na kaanyuan. Sa ngayon ay masaya na siyang namumuhay sa London kasama ang kaniyang mister na isang Briton.

Tunay nga na napakaraming mga netizens ang bumilib sa kaniyang buhay ngayon dahil sa kitang-kita sa kaniyang mga mata ang labis na kasiyahan sa piling ng kaniyang minamahal na mister.