Showbiz, Viral

Multo na mayroong suot na face shield, kinagiliwan ng publiko!



Ang pagsusuot ng face mask at face shield ang ilan sa pinakamahigpit na utos ngayon hindi lamang sa isang lugar kundi maging sa marami pang mga probinsiya sa ating bansa. Marami ding mga establisyemento na hindi nagpapapasok ng mga mamimili o costumers kung walang suot ang mga ito na face mask at face shield.


Kung hindi susunod ang ilan sa atin ay tiyak na mahuhuli at magmumulta ng malaking halaga. Dahil dito ay hindi na bago sa atin ang pagsusuot ng mga face mask at face shield sa araw-araw.


Ngunit kamakailan lamang ay talagang agaw-pansin ang diumano ay isang multong mayroong suot na face shield! Ang multo palang ito ay walang iba kundi si Ina Feleo.
Talaga namang napakaganda at napakahusay niyang aktres ngunit hindi makapaniwala ang ilang mga netizens dito. Ang viral post na ito ay mula sa netizen na si Jasper Troy Magtibay.



Nagbahagi siya ng ilang mga larawang mula sa kanilang telebisyon kung saan makikita ang ilan sa mga eksena sa programang “Daddy’s Girl” kung saan gumanap si Ina bilang isang multo. Nilagyan niya ito ng caption na, “Ngayon lang ako nakakita ng multo na naka-face shield”. Maraming mga netizens naman ang nagsasabing buti pa ang karakter na multong ito dahil sa marunong itong sumunod sa mga safety protocols habang maraming mga Pilipino sa tunay na buhay ang talagang sobrang pasaway.


Nagpapatunay lamang ito na maaari pala talagang sumunod tayo sa kinauukulan lalo na kung para naman ito sa ating sariling kaligtasan. Si Ina Feleo o si Irina Guillen Feleo sa tunay na buhay ay 33 taong gulang na aktres, mananayaw, manunulat at figure skater.

Isa siya sa pinakamahusay at pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang sumusuporta ay humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan, kaseksihan at mga talento.