Viral

Misteryosong babae sa viral video noon ni Cesar Montano, nagpakilala na!



Si Cesar Manhilot o mas nakilala ng publiko bilang si Cesar Montano ay 58 taong gulang na aktor, producer at direktor. Lingid sa kaalaman ng marami ay nagkaroon na siya ng asawa bago pa man niya mapangasawa ang aktres na si Sunshine Cruz.


Ayon sa ilang mga ulat, si Marilyn Polinga mula sa Bohol ang unang maging asawa ng batikang aktor. Nagkakilala sila sa isang lokal na Seventh-day Adventist church.


Nagkaroon sila ng dalawang anak. Ngunit taong 1993 ay nasawi si Marilyn. Habang taong 2010 nang pumanaw ang kanilang ikalawang anak na si Christian Angelo Manhilot sa edad na 23 taong gulang dahil sa tama ng baril sa ulo.




Nagkaroon pa siya ng anak na lalaki sa aktres na si Teresa Loyzaga na sa ngayon ay isa na ring aktor, si Carlos Diego Gonzaga. Taong 2000 ikinasal sina Cesar at Sunshine.

Biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska. Ngunit nauwi rin sa annulment ang kanilang pagsasama makalipas ng tatlong taon.


Hindi na bago sa publiko ang naging viral na video ni Cesar noong 2018 kung saan kitang kita ang isang babae sa kaniyang likuran na walang saplot. Binati ng aktor sa kaniyang viral video ang isang Barangay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana Manila.

Kamakailan lamang ay inamin ng aktor at ng naturang babae ang kanilang tunay na ugnayan. Ito ay matapos magbahagi ng video greeting ni Cesar para sa entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal.

Kalaunan ay napag-alaman ng publiko na ang babae palang hubad sa viral video noon at sa video niya ngayon ay walang iba kundi ang kaniyang longtime partner na si Maria Socorro.



“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?” Pahayag ni Cesar.

“Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” Komento naman ng babae sa video na kasama ni Cesar na diumano ay Maria Socorro ang pangalan.