Viral

Misis na nangaliwa, pinatira ang kaniyang kabit sa bahay nila ng mister na mayroong pahintulot nito!



Ang sakramento ng pagpapakasal ay itinuturing na banal at importante sa ating bansa. Hindi biro ang pagpasok sa buhay may-asawa dahil sa panghabang-buhay na ito at napakahirap talikuran ng naging pangako ng mag-asawa sa harapan ng Diyos at sa batas.

Kung kaya naman kahit pa napakaraming pagsubok at paghihirap na kailangang pagdaanan ng mag-asawa ay marami pa rin ang nananatiling positibo ang pananaw sa buhay. Paniniwala na kahit anong hirap man ang kanilang kahaharapin ay ayos lamang basta’t magkakasama sila bilang isang pamilya.



Ngunit kamakailan lamang, tila ba naging mainit na usapin sa social media ang kakaibang set-up ng pamilyang ito dahil ang ilaw ng kanilang tahanan ay nag-uwi ng kaniyang kabit sa kanila mismong tahanan. Marahil, marami ang nagtataka kung ano nga ba ang sinabi o ginawa ng mister ng ginang na ito.

Akala ng iba, magagalit o magwawala ang mister ngunit sumang-ayon pa ito sa pagpapatuloy ng kaniyang asawa sa kabit nito sa kanila mismong tahanan! Halos 13 taon na nga ang nakalilipas mula nang magsimula ang kakaibang sitwasyon ng pamilyang ito.


Ang misis ay nakilala bilang si Maricel Tabinas, ang kaniyang mister ay si Edgar Tabinas habang ang kaniyang kabit naman ay nakilala sa pangalang Marcelino Palo. Ayon sa pahayag ni Edgar, hindi na siya umalma pa sa nais ng kaniyang asawa dahil sa gusto rin nitong isaalang-alang ang damdamin nito.



Napag-alaman lamang ng publiko ang kanilang kwento matapos magsubong ng dalawa nilang kamag-anak sa programang Raffy Tulfo in Action. Para kay Edgar, naatim nga niya ang ganitong sitwasyon ng ilang mga taon kung kaya hindi niya batid ang tunay na motibo ng kanilang mga kamag-anak upang paabutin pa kaalaman ng marami ang kanilang sitwasyon.

Kahit nga sa sariling silid ng mag-asawa ay naroon din ang kabit ng ginang! Talaga namang marami ang nabigla at nabahala sa naging kasunduan ng tatlo ngunit sa ilang mga taon na magkasama sila ay tila maayos naman ang ganitong pag-uusap para sa kanila.