Viral

Misis, hinatid mismo ang kaniyang asawa upang magpakasal sa ibang babae!



Para sa maraming mga Kristiyano, isa lamang ang maaaring maging asawa ng isang lalaki sa mata ng Diyos, ng batas at ng tao. Hindi maaaring magkaroon ng ibang asawa ang lalaki o ang babaeng kasal na maliban sa taong una na nilang pinakasalan.

Maaari pa rin naman silang magpakasal muli kung nanaisin nila ngunit kailangan muna nilang mapawalang-bisa ang nauna nilang pagpapakasal. Hindi ito katulad ng pagpapakasal at pag-aasawa sa kultura ng mga Muslim.



Maaari kasi silang mag-asawa ng higit pa sa isa kung kaya naman para sa mga kababaihang Muslim ay batid na nila ang kaugaliang ito. Ngunit kahit pa nga marami na ang nakakaalam ng ganitong klase ng tradisyon ay hindi pa rin maiwasan ng publiko na mahabag at maantig dahil sa naging kwento ng isang babaeng ito na siya pa mismo ang nag-asikaso ng kasal ng kaniyang mister sa ikalawang asawa nito.


Ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Jamaicah Malindatu ang ilang mga video nang naging kasalan. Ayon sa ilang mga ulat ay ang unang asawa mismo ang naghatid sa kaniyang mister patungo sa magiging bagong asawa nito.

Masakit at talaga namang nakakapanlumo na mayroon pa rin palang mga ganitong kalagayan hanggang sa ngayon. Ngunit para sa unang misis sa video ay masaya na siyang mapagsilbihan ang kaniyang asawa.



Kasama na sa pagsisilbi na ito ang pagkakaroon niya ng bagong mapapangasawa. Hindi makapaniwala ang netizen na si Jamaicah na marami din palang mga tao ang gumagawa ng ganito.

“Seryoso? May ganitong klaseng babae! ‘Yung feeling na ikaw nag-asikaso ng kasal ng asawa mo mismo para sa 2nd wife niya. No! ‘Yung hinatid mo pa siya… hinatid mo ‘yung soon to be 2nd wife niya papunta sa asawa mo,” Pahayag ni Jamaicah.

Talaga namang hindi na napigilan pa ng publiko ang magkomento patungkol sa naging pangyayaring ito.