Viral

Mga kuhang larawan ni Miss Universe Philippines 1952 Teresita Sanchez naang ganapin ang kauna-unahang pageant ng Miss Universe, usap-usapan ngayon ng publiko!



Maraming mga dayuhang turista ang nagsasabing kakaiba talaga ang kagandahang taglay ng mga kababaihang sa bansa. Hindi man porselana ang ating mga kutis tulad ng iba ay talaga namang kapansin-pansin pa rin ang kayumanggi nating kulay kumpara sa iba pang mga lahi.

Photo credits: Pageanthology 101

Dahil nga rito ay hindi na rin nakapagtatakang makapag-uwi tayo ng ilang mga karangalan pagdating sa mga prestihiyosong beauty pageants. “Big Four” o “Big League Pageants” kung tawagin ang apat sa pinakabigating beauty pageant competitions sa buong mundo.

Photo credits: Pageanthology 101

Ito ay ang Miss World, Miss Universe, Miss International at Miss Earth. Nito lamang Oktubre 25, 2020 ay ginanap nga ang Miss Universe Philippines sa Cordillera Convention Hall sa Baguio kung saan ang nagwagi ay walang iba kundi si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Sundall Mateo.



Photo credits: Pageanthology 101

Maraming nagdiwang dahil sa kaniyang pagkapanalo at siya na ngayon ang magiging kinatawan ng ating bansa sa prestihiyosong “international beauty pageant competition” na ito. Ngunit bago pa man makilala at magtagumpay ang maraming mga personalidad at beauty queen sa larangan ng pagandahan ay una nang sumubok ang ating kababayan na si Teresita Torralba Sanchez.
Siya ang naging kinatawan ng bansa noon sa ginanap na kauna-unahang Miss Universe pageant taong 1952 na ginanap sa Long Beach, California. Halos 68 taon na rin ang nakalilipas at talaga namang nasilayan pa ng maraming mga netizens ngayon ang mga “throwback pictures” na ito sa Facebook page mismo ng “Pageanthology 101”.

Black and white pa ang kuha ng mga larawang ito kung saan nakasuot pa ng “skimpy clothes” ang mga kandidata. Mayroong kuha si Miss Philippines na ilang mga “bloopers” kung saan makikita siyang tila nag-aayos ng kaniyang pangloob na kasuotan.

Photo credits: Pageanthology 101

Maging ang kaniyang pagtitig o pagtingin sa ibang mga kandidata ay nakuhanan din ng mga larawan. Hindi man niya nagawang maiuwi ang korona ay marami pa ring nagpasalamat sa kaniya dahil sa pagiging kinatawan niya ng ating bansa, ang Pilipinas.

Samantala, ang tinanghal na Miss Universe 1952 ay walang iba kundi ang 17-anyos na si Armi Kuusela na mula sa Finland.