Viral

Mga aso at pusang magkayakap, kinaaliwan ng maraming mga netizens online!



Sa tuwing mag-aaway ang mga magkakapatid sa isang sambahayan ay madalas nating marinig na para silang aso at pusa kung mag-away. Wala kasing tigil ang ingay, bulyawan ang pagsisihin ng ilang magkakapatid sa tuwing nagtatalo sila.

Madalas din namang nakikita natin ang mga aso at mga pusang naghahabulan at nag-aaway sa hindi mo malamang dahilan. Ngunit kamakailan lamang, tila ba nagbago ang ihip ng hangin dahil sa mga larawang ito ng ilang mga aso at pusa.



Sinong mag-aakala na pwede naman pala silang maging malapit at malambing sa isa’t-isa? Makikita kasi sa isang larawan na nakahiga sa isang sako ang mga aso at pusang ito habang himbing na himbing sa kanilang pagtulog.

Makikita pa ngang tila magkayakap ang mga ito. Hindi tuloy napigilan ng ilang mga netizens na mapa-sana all at magkomento sa “sweetness” ng mga ito.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens patungkol sa cute na mga larawang ito:

“Wow naman! Buti pa ang aso at pusa, nagkabati na at magkayakapan pa! Sana all talaga!” pahayag ng isa.
“Ibig sabihin, komportable na sila sa isa’t isa o iisa lang ang amo nila kaya hindi na sila magkagalit kasi nasanay na silang nagkikita. Swwet naman! Sana mga tayo ganiyan din. Hindi tinitingnan ang mga pagkakaiba-iba sa buhay, mapa-Kristiyano o Muslim ay magmahalan dapat.” Turan naman ng isa pang netizen.



“Malapit na ang Pasko, buti pa ang aso at pusa na iyan may kayakap na. Ako, SMP pa rin hehehe,” komento naman ng isa.

Tunay nga na maaari naman palang maging payapa at komportable ang mga hayop na ito sa isa’t-isa. Lalo na kung pagod na silang mag-away, maaari naman pala silang mamahinga ng magkasama.

Kung nagagawa ito ng mga hayop, tiyak na kaya din ito ng mga tao. Mukhang mas kaya na nating makontrol ang ating galit o pagkainis sa isang tao kung ating nanaisin.