Viral

Mga “altar boys” tinulungan ang isang pulubi, binigyan ng pagkain at mga damit!



Sa gitna ng maraming mga sakuna at pagsubok na nararanasan natin ngayon ay marami pa ring mga taong nag-aabot ng tulong sa kanilag kapwa lalo na sa mga taong nangangailangan at walang wala sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ng kabutihang loob ng mga kabataang ito na mga “altar boys” pala. Isa sa mga “altar boys” na ito ay si Teotristian Gomez Batutay mula sa San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro.

Ibinahagi niya sa publiko ang ilang mga larawan ng pulubing tinulungan nila na nakilala sa pangalang “Totong”. Napakalaki ng kaniyang ngiti habang ginugupitan at inaahitan siya ng mga kabataang ito.



Pagkatapos nito ay pinaliguan din siya ng mga batang ito at talagang nakakamangha ang kinalabasan ng tila ba “makeover” sa matandang lalaki. Naging mas maaliwalas ang hitsura ng matanda at napakalinis na nitong tingnan.

Lalo pang nakadagdag sa napakagandang awra niya ang ngiti sa kaniyang labi. Ayon sa ilang mga ulat ay naitanong sa mga kabataang ito kung bakit nga ba nila tinulungan ang isang taong hindi naman nila kakilala o kadugo.


Ang sagot naman ng mga kabataang ito ay nais lamang nilang tulungan ang matandang magmukhang malinis dahil sa naaawa rin sila sa kalagayan nito. Hindi man nila ito magagawa sa marami pang mga pulubi, isa nang napakagandang halimbawa ang kanilang naging kabutihang-loob para sa matandang pulubi na natulungan nila kahit pa sa loob lamang ng isang araw.



Sa mundo natin ngayon na halos napakarami nang nagiging mapanghusga at mapanglamang sa kanilang kapwa, nakakabilib pa rin na mayroon pa rin palang mga taong hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa iba. Hindi lamang sa pisikal na anyo nakatingin ang mga kabataang ito kundi sa kabutihang loob na mayroon ang isang tao.

Dahil dito ay tiyak na mas maraming mga tao pa ang magnanais na tumulong sa kanilang kapwa nang walang halong panghuhusga at tanging pagtulong lamang ang nasa kanilang isipan.