Showbiz, Viral

Marvin Agustin, inalala ang sikat nilang love team ni Jolina Magdangal kahit pa nga 23 taon na ang nakalilipas!



Si Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas hinangaan ng publiko bilang si Marvin Agustin ay 41 taong gulang na aktor, chef at entreprenyur. Isa siya sa pinakamahusay na aktor ng kaniyang henerasyon, hindi lamang sa drama, horror o comedy magaling si Marvin kundi maging sa romance.

Hindi maipagkakailang tumatak sa maraming mga Pilipino ang naging tambalan nila ni Jolina Magdangal. Marami silang pinagsamahan na teleserye at pelikula.



At kahit pa nga halos 23 taon na rin ang nakalilipas mula nang una silang magtambal ay hindi pa rin nawawala ang paghanga niya at pasasalamat sa kaniyang naging kapareha na si Jolina Magdangal. Masayang inalala ni Marvin ang kanilang naging pagsasamahan sa kaniyang social media post kamakailan lamang.

Nagbahagi siya ng lumang larawan nila ni Jolina at nilagyan niya ito ng caption na “Thanks labtim for 23 years of beautiful memories! Patamisin pa natin sa mga susunod natin projects at ating pagkakaibigan!”

Kapansin-pansin ang napakagandang nginit ng dalawa. Hindi rin naman ito pinalampas ni Jolina at masayang nagkomento na naalala niya pa ang lumang larawan na ito.

Sagot naman ni Marvin ay talagang napakasimple ng buhay nila noon. Ang tanging poproblemahin na lamang nila ay ang pagiging mababaw ng kanilang kamusmusan ngunit sa kabila nito ay marami din naman silang natutunan.



Nagpasalamat din si Marvin sa napakasayang alaala na mayroon sila mula nang naging magkatambal sila sa kanilang kauna-unahang proyekto. Tunay nga na lilipas ang panahon at maluluma rin ang mga larawan ngunit ang alaala nila ng bawat isa na nakatanim sa puso at isipan nila ay hinding hindi mawawala kailan man.

Nagsilbi namang inspirasyon sa maraming mga netizens ang pagsasamahan ng dalawang ito dahil kahit pa nga maraming mga taon na ang nakalipas ay nananatili pa rin ang pagmamahal, pagmamalasakit at pagkakaibigan nila. Marahil ang iba sa atin ay nakaranas na rin nito kung kaya naman tiyak na “feeling blessed” talaga ang inyong mararamdaman kung makatagpo kayo ng Marvin o Jolina sa inyong buhay, hindi ba?