Business

MAPUA student nag-uwi ng Php1.9 milyong cash price dahil sa kaniyang imbensyon na gawa mula sa basura ngunit tiyak na makakakuha ng “solar energy”!



Hinangaan at talagang kinabiliban ng publiko ang imbensyon ng isang estudyanteng ito na nakagawa ng isang “renewable energy source” mula sa mga “used crop”. Ang estudyanteng ito ay walang iba kundi si Carvey Ehren Maigue na kasalukuyang kumukuha ng BS Electrical Engineering sa MAPUA University.

Ang kaniyang nakakabilib na imbensyon ay mula sa mga “used crop” kung kaya naman talagang napapanahon ito. Napakarami na kasi nating nagiging basura mula sa mga gulay, prutas at iba pang mga pagkain na araw-araw nating inihahanda. Kinilala at nag-uwi ng karangalan si Carvey sa ginanap na Inaugural Sustainability Award of the James Dyson Award 2020.



Sa halos 1,800 na mga kalahok ay siya ang bukod-tanging nakapag-uwi ng karangalan. Mayroon din itong cash prize na Php1.9 milyong cash price. Ayon sa naging pagbabahagi niya sa isang naging panayam sa kaniya, ang kaniyang imbensyon ay tinawag niyang AuREUS na nangangahulugang Aurora Renewable Energy and UV Sequestration.


Ang materyal na ito ay maaaring gamitin upang makahanap ang ibang mga “devices” ng “ultraviolet light” na maaaring ma-convert sa kuryente. Ang naturang “crop waste” ay maaaring gawing panel ng mga bintana o di kaya naman ay pader upang mas maka-absorb pa ito ng UV light.

Marami na sa atin ngayon ang gumagamit ng mga “solar panels”, ngunit ang kaibahan niyo sa mga solar panels ay hindi na ito kailangan pang iharap o itapat ng husto sa sikat ng araw para makakuha ng sapat na UV light. Hindi ito naging madali sa kaniya dahil sa ilang taon na rin siyang pahinto-hinto sa pag-aaral dahil sa pinansiyal niyang problema.



At ngayon nga ay mayroon na siyang Php1.9 milyong cash price mula sa naging imbensyon niya na plano niyang ipampagawa pa ng ibang mga imbensyon at ilaan ang matitira para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.

Tunay nga na sa kabila ng napakaraming hadlang ay nagawa pa rin niyang makagawa ng isang nakakabilib at nakakamanghang imbensyon na tiyak na makakatulong ng malaki hindi lamang sa atin kundi maging sa ating kapaligiran.