Viral

Mala-anghel na kagandahana ng Sampaguita vendor na ito, nagpamangha sa maraming mga netizens!



Marami na tayong nasaksihang mga ordinaryong indibidwal na hindi natin inaasahang makilala at talagang sisikat ng husto. Halimbawa na lamang si “Carrot Man” o si Jeyrick Sigmaton na nakuhanan ng larawan noong taong 2016 habang may buhat itong mga “carrot”.

Marami ang nabighani sa angking kagwapuhan nito kahit pa nga simple lamang ang kaniyang trabaho. Gayundin naman si Rita Gaviola o “Badjao Girl” na nakuhanan ng larawan habang namamalimos sa isang pista.



Sinong mag-aakala na magbabago pala ang kanilang mga buhay dahil rito? Nabigyan sila ng pagkakataong maging modelo, maging artista at matupad ang kanilang mga pangarap hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi lalo’t higit para sa kanilang mga mahal sa buhay.


Ngayon nga ay ibang-iba na ang buhay nila kumpara sa dati ay talagang malaki ang inunlad ng kanilang pamumuhay. Kamakailan lamang ay napukaw ng batang ito ang atensyon ng publiko dahil sa natural at mala-anghel nitong kagandahan.

Ayon sa viral post ng netizen na si Honney RJ Balasabas ay madalas na nilang madaanan noon pa man ang isang batang ito na talagang aakalain mong isang anghel dahil sa napakaamo niyang mukha at nakakabighaning kagandahan. Sa murang edad ay naghahanap-buhay na ito bilang isang “Sampaguita vendor”.

Ayon sa ilang mga ulat ay madalas na nagtitinda ang batang ito sa lansangan ng Katipunan corner Boni Serrano, umaraw man o umulan. Inabutan ni Honney at ng kaniyang mister ng kaunting pera ang bata upang makauwi ngunit pilit nitong ibinibigay sa kanila ang sampaguitang tinda nito. Kahit na manghang-manghang ang mag-asawa sa napakagandang hitsura ng bata ay hindi pa rin nila maiwasang mag-aalala dahil sa marami pa ring mga masasamang-loob ang maaaring magdulot ng kapahamakan sa kaniya lalo na at sa lansangan siya nagtitinda.



Dalangin nila na sana ay hindi mapahamak ang bata habang nagtitinda ito sa lansangan. Hindi lahat ng bata ay kayang gawin ito lalo na sa panahon kung kaya naman sana ay mayroong mga mabubuting-loob na tumulong sa bata na dapat sana ay paglalaro at pag-aaral lamang ang iniisip.