Viral

Magkasintahan na nagdaos ng “Royal Muslim Engagement” at “Crash Landing on You theme” para sa kanilang pre-nup shoot, viral ngayon online!



Hindi na nga talaga maipagkakaila ang naging impluwensiya sa atin ng mga Koreano dahil sa magagandang kwento ng kanilang drama at mga pelikula. Maging sa kasuotan at sa mga pagkaing mula sa Korea ay marami na din ang nagkakagusto at nahihilig.

Hindi na nakapagtataka na marami sa ating mga Pilipino ang nagnanais na makarating sa Korea. Ngunit dahil nga sa pandemya ay tila ba naisipan ng magkasintahang ito na maging tema ng isa sa pinakasikat na Korean drama sa Pilipinas ngayon, ang “CLOY” o ang “Crash Landing On You”.



Ang magkasintahang pumukaw sa atensyon ng publiko ay walang iba kung hindi sina Sultan Kudarat Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran at Police Lieutenant Al-Shadat Hassan Abdurajak. Setyembre 5, 2020 nang ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib ngunit bago pa man iyon ay nagkaroon na sila ng magarbo at napakagandang pre-nuptial photoshoot.

Ibinahagi ng Congresswoman na nais niya talaga noon pa man ang tradisyonal na “engagement” at kasalan upang mas maipagmalaki ang kultura ng mga Tausug at Muslim. Kung kaya naman nagkaroon sila kaagad ng “Royal Muslim Engagement”.


Tunay nga na napakaraming mga netizens ang namangha at bumilib sa napakagandang tradisyon ng mga Muslim ayon na rin sa mga magagandang kuha ng kanilang mga larawan. Ang tatlong araw na ginugol nila para sa “Crash Landing on You theme photoshoot” nila ay ginanap sa Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani, at General Santos City.



Si Rihan ay isang tunay na prinsesa dahil sa apo siya ni Sultan Omar Pax Mangudadatu habang isang pulis naman si Jay na tila ba hango sa kwento ng CLOY kung saan ang bida ay sina Captain Ri (Hyun Bin) at si Yoon Se-ri (Son Ye-jin) na mula sa North at South Korea. Talaga namang sa mga larawan pa lang nila ay mararamdaman mo na ang “sweetness” at kilig sa kanilang mga ngiti at titig sa isa’t-isa.