Viral

Maganda at sexy na Cosplayer nakahanap ng trabaho bilang isang Foodpanda Delivery Driver!



Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang salitang “Cosplay” o “Cosplayer”. Marami na tayong nakikitang mga cosplayer noon pa man.

Ilan nga sa mga sikat na Pinay cosplayer ay sina Alodía Gosiengfiao at Myrtle Sarrosa. Talaga namang nakakabighani ang kanilang mga kasuotan lalo na kapag dumadalo sila ng mga “cosplaying events”.



Isa sa sila sa pinakamamagandang Pilipina sa industriya ng showbiz ngunit mayroon pa pala silang mas igaganda pa lalo na kung suot suot nila ang mga nakakabilib at nakakamangha nilang mga costumes. Hindi na rin nakapagtatakang mas dumarami pa ang mga kabataang Pilipino na nagkakaroon ng interes dito.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin na dahil sa sitwasyon natin ngayon dulot ng pandemya ay isa ang mga “cosplaying events” sa mga industriyang labis na naapektuhan. Madalas kasing maraming tao ang mga ganitong events kung kaya naman ilang buwan na rin itong hindi pinahihintulutan ng ating batas upang maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19 sa bansa.


Buti na lamang at kahit limitado pa rin ang ilang mga ikinabubuhay ng marami sa atin, nakakagawa at nakakahanap pa rin ng paraan ang marami sa atin upang kumita ng perang pangsuporta sa ating mga pamilya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang Cosplayer na ito dahil sa trabaho niya ngayon.



Sa halip kasi na panghinaan ng kalooban dahil sa pandemya, mas nagpursige pa ito sa buhay at ngayon nga ay nagtatrabaho siya bilang isang Foodpanda Delivery Driver. Isang sikat na cosplayer si Nicky. Siya ay nakilala rin bilang “Nicky 1/2 Cosplay”.

Madalas siyang nagbabahagi ng kaniyang mga larawan online suot suot ang makukulay at nakakamanghang mga cosplay costumes. Kamakailan lamang, nagbahagi siya ng ilang mga larawan kung saan nakasuot siya ng Foodpanda delivery driver uniform.

Noong una ay inakala ng marami na isa lamang ito sa mga karakter niya bilang isang cosplayer ngunit totoo palang trabaho ito ni Nicky. Ayon sa naging pahayag ni Nicky, mayroon naman siyang trabaho sa opisina noon ngunit nagdesisyon siyang iwanan ang trabahong ito dahil sa madalas ay nagdadahilan na lamang ang kaniyang boss upang mahawakan o mahipuan siya.

“I heard that working as a Foodpanda delivery rider can earn a lot of money so I decided to give it a try. I need to earn money for my family and also to buy some nice clothes for my cosplay,” Pahayag ni Nicky.



Talaga namang mas marami pa ang humanga at bumilib sa kaniyang abilidad sa gitna ng kinakaharap nating pandemya sa ngayon.