Viral

Maaaring magmulta ang mga ilegal na nangongolekta ng mga “wild plants” ayon sa DENR!



Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang maranasan natin ang pandemyang kinakaharap ng maraming mga bansa sa buong mundo ngayon. Dahil sa napakahirap na sitwasyong ito ay marami sa atin ang nabahala at talaga namang nag-alala ng husto.

Kaniya-kaniya tayo ng naging pamamaraan kung paano nga ba natin mapapanatili an gating maayos na kaisipan sa gitna ng mga pagsubok na ito. Marami sa atin ang nakadiskubre ng bagong interes tulad na lamang ng “baking”, “online business”, mga ehersisyong maaaring gawin kahit nasa bahay lamang at siyempre ang pagtatanim o paghahalaman.



Sa katunayan, usong-uso sa ngayon ang pangongolekta ng mga halaman hindi lamang dahil sa mga benepisyong dulot nito sa ating katawan kundi dahil na rin sa kagandahang hatid nito sa ating kapaligiran. Ngunit dahil na rin sa mataas na demand ng iba’t-ibang uri ng halaman sa ngayon ay marami na rin ang nagsasamantala sa mga ito.


Mayroong mga ulat patungkol sa pagnanakaw ng mga halaman upang ibenta, o di kaya naman ay ang illegal na pangongolekta ng mga “wild plants” o ang mga halaman na kakaunti na lamang ang bilang sa ngayon. Dahil dito ay nagpaalala ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) ng Zamboanga Peninsula na maaaring magmulta mula Php100,000 hanggang Php1,000,000 ang mga taong mapapatunayang nangongolekta ng mga naturang halaman.

Maliban pa rito ay maaari ding makulong hanggang 12 taon ang mga mapapatunayang lumabag sa batas na ito.



“The collection of wild flora directly from forest, especially those considered as [email protected] species, without permit is prohibited under Republic Act. 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.” Ayon sa naging pahayag ni DENR Zamboanga Peninsula Director Crisanta Marlene P. Rodriguez.

Ayon sa ahensiya, ilan sa mga halamang nanganganib nang maubos ay ang Giant Staghorn Fern o Capa de Leon, Staghorn Fern, at Waling-waling. Ang mga halaman naman na ipinagbabawal kolektahin ay ang Green Velvet Alocasia, Kris Plant, at Zebra Plant.