Viral

Lolang OFW dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa anak na umaasa sa kaniya pambuhay ng kabit nito!



Maraming mga Pilipino ang nagnanais mangibang-bansa hindi para mamasyal lamang at makakita ng magagandang tanawin at bagong mga kultura. Mas marami ang nagnanais na makapangibang-bansa dahil sa nais nilang magtrabaho at kumita ng pera na pangpadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.


Ilang mga pamilya sa ating bansa ang hanggang sa mga panahong ito ay nabubuhay sa ganitong sistema, kung saan ang isa sa mga magulang o parehas silang dalawa ang magtutungo sa ibang bansa upang kumayod. Ilang mga taon pa ang lilipas at hindi pa rin magagawang umuwi ng mga OFW na ito dahil sa marami pang bayaran na dapat bayaran o di kaya naman ay hindi pa tapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak.



Nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan. Kamakailan lamang ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang lola na nakilala sa pangalang Lola Emma na isang OFW sa Riyadh. Problema niya ngayon ang anak niyang si Jiemalyn dahil sa iniwanan nito ang kaniyang asawa at anak para sumama sa kaniyang kabit.

Ang masaklap pa nito ay walang pera si Jiemalyn at wala ring trabaho ang kaniyang kabit kung kaya naman umaasa lang sila sa padala ni Lola Emma na kaniyang ina. Ang gusto sana ng matandang OFW ay umuwi na ang kaniyang anak sa pamilya nito kaysa sayangin ang kaniyang buhay sa piling ng kaniyang kabit.

Ayon naman kay Jiemalyn ay hindi maayos ang trato sa kaniya ng asawa kung kaya ayaw na niyang bumalik pa rito. Wala nang naisip pang paraan si Lola Emma kundi ang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo sa pagbabaka-sakaling makahanap siya ng solusyon sa problema niyang ito.



Tunay ngang napakahirap nang ganitong sitwasyon dahil sa hindi lamang “home sickness” ang kinakaharap ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa. Marami din silang mga personal na problema at mga problema sa pamilyang kinakaharap nila nang mag-isa. Kung kaya naman napakahalagang kamustahin din natin sila at ipanalangin ng madalas.