Viral

Lola at kaniyang binatang apo inimbitahan ang kanilang kapitbahay na matanda upang manirahan kasama nila!



Isang 23-anyos na binate kasama ang kaniyang 71-anyos na lola ang nag-imbita sa 87 anyos nilang kapitbahay na manirahan na lamang kasama nila. Ang binatang ito ay nakilala bilang si Thinagaran isang “Malaysian-Indian” ang kaniyang lola naman ay si Puan Kamala.

Image credit: Sin Chew Daily

Sila ay naninirahan sa Kubang Buaya, Kuantan. Matanda na ang kapitbahay nilang Chinese na si Mr. Pak Cik Yap o Uncle Yap kung kanilang tawagin.

Nagkakahalaga lamang ng RM1,500 hanggang sa RM1,800 o katumbas ng Php17,738 – Php21,285 ang kita ng binata sa loob ng isang buwan. Ngunit hindi ito naging hadlang upang matulungan nila ang kawawang matanda na si Uncle Yap.



Image credit: Sin Chew Daily

Ayon sa kwento ni Thinagaran, noong bata pa siya ay kasama na nila sa isang bahay si Uncle Yap. Nang pumanaw ang kaniyang ama ay si Uncle Yap na ang siyang naging ama sa kaniya at sa kapatid niyang babae.

Lumaki siya sa pangangalaga ng matanda at talagan hindi na siya nito itinuring na iba. Noon ay nagtatrabaho sa isang “tire shop” si Thinagaran ngunit kinailangan niyang magbitiw sa kaniyang trabaho dahil sa naaksidente ang kaniyang binti apat na taon na ang nakararaan.

Image credit: Sin Chew Daily

Kinailangan siyang lagyan ng “steel rod” sa kaliwang paa niya kung kaya naman hindi na siya maaaring maglakad, tumayo at umupo ng matagal. Nagtrabaho na lamang siya bilang isang “construction worker” upang makaipon ng perang kailangan nila bilang panggastos sa araw-araw.

Image credit: Sin Chew Daily

Ang kaniyang lola na si Puan Kamala naman ay nakakatanggap rin ng kaunting tulong pinansyal mula sa kanilang pamahalaan buwan buwan. Ngunit sadyang hindi talaga ito sasapat para sa buwang renta nila sa kanilang bahay, bayarin sa tubig at kuryente, at kanilang pangkain.

Image credit: Sin Chew Daily

Sa kabila ng mahirap nilang sitwasyon ay hindi nagdalawang-isip ang maglola na kupkupin si Uncle Yap upang kasama na nila itong manirahan sa kaniyang inuupahang bahay. Hindi man sila ganoon kayaman ay talagang nakakamangha ang pagnanais nilang matulungan ang matanda sa abot ng kanilang makakaya.