Viral

Lalaki, ibinenta ang kaniyang scooter upang may pampagamot sa alaga niyang aso!



Sakripisyo, maaaring simpleng salita lamang para sa iilan ngunit napakabigat at napakalaking bagay na para sa nakararami. Hanggang saan nga ba ang kaya nating isakripisyo para sa ating pinakamamahal?

Marahil ay mayroon tayong personal na mga kasagutan sa tanong na ito ngunit para kay Calvin Rotonea ay mas mahalaga ang kaniyang alagang aso kaysa sa kaniyang scooter. Kinailangan niya kasing ibenta ang kaniyang scooter upang magkaroon siya ng pampagamot ng alaga niyang aso na si Bella.



Ibinahagi ni Calvin ang pambihira niyang kwento sa “Furr Love PH” at talaga namang umani ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na kaya niya palang ibenta ang kaniyang sasakyan para sa pinakamamahal niyang alaga.

Ayon sa ilang mga ulat, nagkaroon kasi si Bella ng “Kennel Cough” na maaaring nakuha niya sa ibang mga aso. Hindi naman ito ganoon kalala ngunit maaari itong maging Pneumonia kapag pinabayaan.

Ang nagpagbentahan ng kaniyang scooter ay inilaan niya sa pagpapacheck-up ni Bella. Ngunit pinayuhan sila ng beterinaryo na i-admit si Bella. Hindi na sapat ang kaniyang pera kung kaya naman umuwi na lamang sila at sumailalim sa “home medications”.

Nawalan na ng ganang kumain si Bella kung kaya naman binabalik na rin ni Calvin na magbenta pa ng ibang gamit para sa pagpapa-admit ng kaniyang alaga. Para sa kaniya, hanggang mayroon siyang kayang gawin ay gagawin niya para sa kaniyang alaga.



Talaga namang naging napakaimportante ni Bella para kay Calvin dahil noong araw na napulot niya ito ay ang araw din na inilibing ang kaniyang lola. Labis na kalungkutan ang kaniyang naramdaman ngunit nagdulot si Bella ng kagalakan sa puso ni Calvin ng mga panahong iyon.

Malambing at “protective” na aso kung ilarawan niya ang alaga at talaga namang kitang-kita sa kanilang mga larawan kung gaano kalapit ang dalawa sa isa’t-isa. Sa katunayan pa nga ay “daddy’s girl” na nga ang tawag ng fiancée ni Calvin kay Bella.