Showbiz, Viral

Kylie Padilla nagbahagi ng larawan ng kaniyang ina na talaga namang kamukhang-kamukha niya!



Si Kylie Nicole Sicangco Padilla-Abrenica ay 27 taong gulang na aktres, modelo, endorser at recording artist. Siya ay anak ng beteranong action star na si Robin Padilla at Liezl Sicangco.

Credit: @kylienicolepadilla instagram

Siya ay nag-aral ng elementarya sa Queensland, Australia. Isa siyang Muay Thai practitioner. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya.

Credit: @kylienicolepadilla instagram

Taong 2017 nang ma-engage siya sa kaniyang nobyo na si Aljur Abrenica. Disyembre 2018 ay ikinasal na nga ang dalawa sa Villa Milagros, Rizal. Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo na talaga namang cute na cute din na nagmana sa kanilang mga magulang.



Credit: @kylienicolepadilla instagram

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan si Kylie sa kaniyang social media account kung saan kapansin-pansin ang napakagandang mukha ng kaniyang ina na si Liezl Sicangco. Nilagyan niya ito ng caption na “My mum at my age. I think. Holy. Where did I get the all black thing? My mum yows”.

Talaga namang nasorpresa ang marami dahil napakaganda ng kaniyang ina at napakalaki ng kanilang pagkakahawig. Makisig at gwapo rin naman ang kaniyang ama na si Robin ngunit talagang kapansin-pansin ang pagkakamukha nilang mag-ina.
Umani ito ng sari-saring komento mula sa publiko. Ilang mga netizens ang nagsasabing nasa lahi talaga ng mga Padilla at Sicangco ang pagiging maganda at gwapo dahil sa karamihan sa kanila ay mga artista na.

Tiyak na proud na proud ang mga magulang ni Kylie sa kaniyang masayang buhay ngayon kasama ang kaniyang mga anak at mister na si Aljur. Hands-on mom din ang aktres sa kaniyang dalawang mga anak ngunit hindi rin naman niya hinahayaang hindi niya mabigyan ng sapat na atensyon at pagmamahal ang kaniyang kabiyak.

Credit: @kylienicolepadilla instagram

Maliban pa rito ay kitang-kita rin naman kay Kylie kung paano niya alagaan ang kaniyang kalusugan at pangangatawan.