Viral

Kasambahay sa Bahrain kitang-kita sa video na nakasakay sa trunk ng isang umaandar na sasakyan!



Ang pagkakaroon ng isang sasakyan lalo na sa isang pamilya ay napakagandang pribilehiyo. Maaari kang magtungo kahit saan mo gusto, maaari kang mamili ng mga kailangan mo sa bahay o sa negosyo nang hindi na iniisip pa kung paano magbibitbit ng mga pinamili o kung paano sasakay sa pampublikong sasakyan.

Ngunit hindi lahat ay mayroong kakayanan na makabili ng isang sasakyan dahil sa kakailanganin mo talaga ng malaking halaga ng pera. Maliban dito ay kailangan mo ding magkaroon ng sarili mong lisensiya bago ka makapagmaneho.



Ang pagmamay-ari at pagmamaneho ng isang sasakyan ay hindi basta basta dahil sa kailangan din naman na maging isang responsable at disiplinado ka lalo na at maging ang kaligtasan o buhay ng tao ay nasa iyong mga kamay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang viral video ng isang babaeng nakasakay sa likurang bahagi o sa trunk ng isang umaandar na sasakyan.


Ayon sa ilang mga ulat, ang babae na ito ay isang kasambahay at inutusan ito marahil ng kaniyang amo na hawakan ang isang malaking kahon na kanilang binili sa kung saan. Nakakalungkot, nakakagalit at talagang nakakainis ang insidenteng ito dahil sa tila ba hindi man lamang itinuring na tao ang kawawang babaeng basta na lamang pinasakay sa trunk ng sasakyan.

Tila ba hindi alintana ang panganib na maaaring maidulot nito sa isang tao, tanging walang puso at walang konsensiya lamang ang makakagawa nito. Ang naturang video ay ibinahagi sa social media ng “News of Bahrain”.

Umani ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens. Talaga namang napakarami ang nagalit at nadismaya sa pagtratong ginawa sa babaeng nasa likurang bahagi ng sasakyan.



Nagbigay naman ng pahayag ang “General Directorate of Traffic” sa Bahrain at kasalukuyan nang pinaiimbestigahan ang insidente. Ayon sa kanilang pahayag ay isang 20-anyos na babae ang nagmamaneho ng naturang sasakyan na ngayon ay nahaharap sa ilang mga kaso dahil sa kaniyang ginawa.