Viral

Jinggoy Estrada ipinasilip sa publiko ang ipinatayong himlayan ng ama kahit buhay na buhay pa ito!



Kamakailan lamang ay ibinahagi sa publiko ni Jinggoy Estrada ang inihandang puntod ng kaniyang 83 taong gulang na amang si Erap Estrada para mismo sa kaniyang sarili. Ipinasyal ni Jinggoy ang publiko sa “Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives.

Una nang bubungad sa kanilang mga bisita ang “life-size bronze statue” ng dating presidente ng bansa. Makikita din dito ang sikat na slogan ni Erap: “Kung sino man ako ngayon utang na loob ko lahat sa masang Pilipino.”



Tinagurian siyang “Ama ng Masang Pilipino”dahil sa pagmamahal nito sa mga Pilipino lalo na para sa mga mahihirap. Naging aktor siya taong 1957 kung saan ang una niyang ginawang pelikula ay pinamagatang “Kandilang bakal”.

Taong 2009 naman ng gawin niya ang huli niyang pelikula na pinamagatang “Ang Tanging Pamilya”. Makikita rin sa naturang museo ang lumang Amerikana at sikat na brand ng “rubber shoes”na naging “signature fashion” ni Erap na ginamit niya noon sa isa sa kaniyang mga pelikula.


Ayon kay Jinggoy ay nasa 200 pelikula na ang kaniyang nagawa habang humigit kumulang na 70 films naman ang kaniyang nai-produce. Sina Alma Moreno, Susan Roces, Elizabeth Oropesa, Boots Anson-Roa ang ilan sa mga naging leading ladies niya noon.

Naka-display din ang kaniyang mga “Best Actor Awards” sa kaniyang museo. Ang isa sa mga klasikong pelikula niya ay may pamagat na “Ito ang Pilipino” kung saan talagang hinangaan siya ng maraming mga Pilipino.



Sumumpa siya bilang alkalde ng San Juan noong Agosto 5, 1969. Taong 1987 hanggang 1992 ay naging senador naman siya noong panahon ni Presidente Cory Aquino. Dalawa lamang silang nanalo bilang senador ng oposisyon kasama si Juan Ponce Enrile.

Isa sa mga batas na kaniyang naipasa ay ang “Philippine Carabao Act”na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan pa rin ng maraming mga Pilipino. Isa rin siya sa mga tinanghal na “Outstanding Senators” kasama sina Bert Romulo at Teofisto Guingona.

Naging Chairman din siya ng cultural minorities bago pa man siya maging bise-presidente ng bansa at maging tagapamahala ng “Presidential Anti-Crime Commission”. Makikita rin dito ang “Jeep ni Erap” na kaniyang minaneho noong naghain siya ang COA kasama ang mga miyembro ng kaniyang partido.



Napakarami din niyang mga larawan kasama ng mga “World Leaders”noon. Ngunit dumating ang araw na kinailangan niyang bumaba sa pwesto at makulong.

Apat na taon siyang namalagi sa Tanay habang dalawang taon naman sa “Veterans”. Nagpagawa na siya ng sarili niyang himlayan kung mayroon mang mangyari sa kaniya ang nais niya ay nakahanda na ang kaniyang paglilibangan.

Ibinahagi din ni Jinngoy na taong 1971 nabili ng kaniyang ama ang rest house nilang ito sa Tanay noong kasagsagan pa ng kaniyang karera bilang isang “superstar” sa halagang Php2 kada metro kwadrado.