Viral

Isang babaeng punong-puno ng tattoo sa katawan, pinalabas sa isang restaurant ngunit hindi nila batid na bigatin pala ang babaeng ito!



Sa panahon natin ngayon, tunay nga na nalakarami nang mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa. Nakakalungkot isipin ngunit tila ba sanay na sanay na tayong manghusga ng ibang tao dahil lamang sa kakaiba nilang hitsura o mga gusto sa buhay.


Halimbawa na lamang ang isang babae na ito na nagngangalang Sarah Gray. Sinong mag-aakala na isa pala siyang doktor?



Nadismaya at talaga namang nalungkot si Dra. Sarah sa naging karanasan niya nang minsang pumasok sila ng kaniyang asawa sa isang kainan o restaurant ay pinalabas sila ng “management” dahil sa “no visible tattoo policy” ng naturang establisyemento.


Ayon pa sa kaniya ay pinagtabuyan sila ng mga ito bago pa man sila makakain. Malaban pa rito ay naranasan din niyang iwasan at hindi asikasuhin sa isang “retail store” nang minsang mamimili siya.


Halos lahat kasi ng customers doon ay inaasikaso ng mga staff maliban sa kaniya. Ito ay dahil sa marami niyang tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ngunit sa halip na magalit ay si Dra. Sarah pa mismo ang umunawa sa kanila dahil sa nakatipid pa diumano siya ng $1,000 dahil sa hindi nila pag-asikaso sa kaniya. Tunay nga na wala namang masama sa pagkakaroon ng mga tattoo sa katawan at hindi rin ito nakakaapekto sa pagiging doktor niya.


Maaaring iba ang kaniyang nakasanayan na paraan upang ipahayag ang kaniyang sariling nararamdaman kung kaya naman pamamagitan ng mga tattoo na ito ay mas napapahayag niya ang kaniyang saloobin. Walang masama rito lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama sa kaniyang kapwa.



Subalit sa panahon at kaisipan ng maraming mga tao sa ngayon ay hindi na nga talaga natin maiaalis pa ang panghuhusga sa ating lipunan. Marahil ay mas dapat nating ipaalala sa ating mga anak at sa bagong henerasyon sa ngayon ang maaaring maidulot ng ganitong klase ng kaisipan sa mga taong nagiging biktima ng diskriminasyon at panghuhusga.