Showbiz

Ina Raymundo, payag na payag na maging “daughter-in-law” si Julia Barretto sa hinaharap!



Naging guest ng aktres na si Julia Barretto ang napakagandang celebrity mom na si Ina Raymundo para sa kaniyang latest vlog. Ikalawang episode na ng “Drink and Spill” ni Julia sa kaniyang YouTube channel at talaga namang napakasaya niyang makasama si Ina.

Para sa nakababatang aktres ay isang mommy at isang matalik na kaibigan talaga ang turing niya kay Ina dahil sa marami na rin silang pinagsamahan na mga proyekto tulad na lamang halimbawa ng “Vince, Kath, and James”; “Ngayon at Kailanman”; “Block Z”; at “I Am U”.



“She’s just somebody that I call mom and I always tell her that you are my half mama and my half best friend. That’s just the kind of relationship that I was able to build with her. Not a lot of people know that we have this kind of relationship,” Komento ni Julia.

Ibinahagi din naman ni Ina na siya ang isa sa mga unang nakaalam na ipinabubuntis na noon ni Marjorie si Julia. Agosto 1996 nang mangyari ito kung kaya naman daw talagang ramdam niya ang “connection” nilang dalawa.

Bago matapos ang kaniyang “Drink and Spill” episode ay napansin ni Julia ang anak ni Ina na si Jakob. Binati niya ito at inilarawan bilang “the very handsome son” ng huli. Hindi naman napigilan ni Ina ang kaniyang sarili at tila nadulas ito nang sabihing “crush” ng kaniyang anak na si Jakob ang aktres.



Sumagot pa nga sa kaniya si Jakob at sinabing; “You already said so.” Agad namang naisip ni Ina na marahil ay “future daughter-in-law” niya talaga si Julia kung kaya naman ganoon na lamang ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Ayon naman sa 23 anyos na dalaga; “Maybe. Why not?” Sabay tanong kay Ina kung ayos lang sa kaniyang 7 taong gulang ang tanda niya sa anak nito. Para naman kay Ina ay hindi ito “big deal” dahil kahit naman noon ay nagkaroon siya ng nobyong mas bata sa kaniya ng 7 taon.

Maghintay lamang daw si Julia ng sampung taon at talaga namang payag na payag si Ina sa ideyang ito.