Viral

Guro na kinailangang magretiro ng maaga dahil sa kaniyang karamdaman, masigasig na nagtuturo at gumabagay sa kaniyang mga pamangkin!



Ang pagtuturo ang isa sa pinakadakilang propesyon sa buong mundo. Maraming mga guro ang talaga namang nagiging malaking parte sa pagtatagumpay ng kanilang mga estudyante.


Kahit gaano man kahirap ang bawat asignatura ay talagang nagkakaroon ng inspirasyon at motibasyon ang maraming mga estudyante dahil sa pagiging masigasig ng kanilang mga guro. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng dating guro na si Harold Dauates.

Siya ay inilalarawan ng kaniyang mga estudyante bilang isang masayahin at mabuting guro kahit noon pa man. Ngunit hindi niya inaasahan na darating ang isang mabigat na pagsubok sa kaniyang buhay kung saan hindi na siya maaari pang makapagturo dahil sa kaniyang karamdaman na “Dystonia”.




Kahit pa nga maaga siyang nagretiro bilang guro sa Matematika sa Malandag National High School sa Malungon, Sarangani Province ay nagagawa pa rin niya ngayong turuan at gabayan ang kaniyang mga pamangkin sa kanilang pag-aaral na talaga namang kinabiliban ng marami mga netizens. Ayon naman sa kapatid ni Sir Harold na si Cathy, isang ALS teacher ay napakalaking tulong sa kaniya ng kaniyang kapatid dahil sa nagagawa nitong gabayan ang kaniyang mga anak sa kanilang pag-aaral lalo na at madalas siyang wala sa kanilang tahanan.

Ang naturang post sa social media ay mula mismo sa DepEd Tayo Sarangani ay inulan ng maraming mga positibong komento mula sa publiko. Karamihan ay nagsasabing naging magandang ehemplo sa kanila bilang estudyante noon si Sir Harold habang ang iba naman sa mga nagkomento ay kaniyang kaklase at mga katrabaho.


Tunay nga na walang makahahadlang sa gurong ito upang gawin ang bagay na pinakagusto niya. Kahit pa ang “movement disorder” na kung tawagin ay “Dystonia” na naging dahilan upang bumaluktot ang kaniyang binti at mahirapan siyang kumilos sa araw-araw.

Kung kaya naman para sa mga bago at matagal nang guro ay nagdulot siya ng karagdagang pag-asa at inspirasyon.